M A X Y
Friday | 5:37 am
Maaga akong pumasok sa school ngayon dahil gusto kong makausap si Nathan ng harapan.
Gusto ko sa kanya mismo manggaling na siya nga ang nagbigay ng diary sa guidance office.
Alam ko naman na maaga siyang pumapasok lagi dahil marami siyang ginagawa rito sa school.
Linagay ko muna sa room and bag ko at pagkatapos 'nun ay pinuntahan ko na siya sa faculty.
Pagkarating ko do'n ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nakita ko siya agad na mag-isa sa loob.
“Nathan” tawag ko sa kanya dahil nakatalikod siya sa 'kin.
“Maxy” tawag niya rin sa 'kin ng makalingon na siya.
Walang emosyon ko siyang tinignan.
“Sa tingin ko, alam mo na.” sabi niya tapos pilit na ngumiti.
“Explain” sabi ko tapos pinasunod ko siya sa 'kin papuntang school field.
Nang makarating kami do'n ay naupo kami sa damuhan.
“Bakit Nathan?” tanong ko sa kanya.
Huminga muna siya ng malalim tapos sinuot ang hoodie niya bago sumagot.
“Love hurts, It causes anger, jealousy, obsession, why don't you love me back?”
“Dark and wild.” sabi ko habang natatawa ng konti.
“'Yun talaga 'yung dahilan.” sabi niya tapos nginitian ako.
“Kaya pala nagawa mo akong ipahamak gago ka.” seryoso kong sabi na nagpawala sa ngiti niya.
“Sorry, gusto ko lang talagang siraan sa'yo si Clyde dahil nagseselos na ako, naiingit. Pakiramdam ko kasi inagaw ka niya sa 'kin.”
“Hindi siya nang-agaw dahil hindi mo naman ako pagmamay-ari.”
“Alam ko.”
“I have a stupid question.”
“Ano?”
“Bakla ka ba talaga?”
“Hindi” sagot niya habang nakangiti.
“Pero, bakit? Paano?”
“Mahabang kwento.”
“Paikliin mo.”
“Sasabihin ko nalang sa'yo kapag naka-move on na ako sa'yo.”
“Alam ba 'to ng mga kaibigan mo?” tanong ko sa kanya at umiling naman s'ya.
“May balak ka bang sabihin?”
“Oo pero hindi muna.”
“Last na tanong nalang.”
BINABASA MO ANG
Magnanakaw ng Gluta ¦ m.yg
Short Story「 COMPLETED 」 chat my heart series 2 out of 7: ❝ang epistolary na nagsimula lahat sa gluta, galing diba?❞ ✽ 05/16/2017 #33 in short story ✽ 05/21/2018 #9 in minsuga tag date started: 01/03/2017 date finished: 05/15/2017