M A X Y
Sunday | 04:07 pm
Huminga muna ako ng malalim saka ako nag-doorbell sa bahay nila Clyde.
Saglit lang ay agad na may nagbukas ng gate at si Clyde pa.
“Maxy pasok ka.” sabi n'ya tapos binigyan ako ng daan papasok.
“Sige.” nahihiya kong sabi tapos pumasok na.
Sinundan ko lang ang lakad n'ya hanggang sa makarating kami sa sala nila.
“Maxy!” tawag sa 'kin ng pinsan ni Clyde na kalalabas lang ng kusina.
“Uy Venice!” masaya kong sabi tapos lumapit sa kanya.
“Bakit ka nandito?”
“Pinapunta ko s'ya para ibigay sa 'kin 'yung notes at assignment.” singit ni Clyde sa usapan namin.
“Ay? Ikaw na pala si Maxy ngayon? Galing naman!” pambabara ni Venice sa pinsan kaya napatawa ako.
“Tawa ka?” mataray na tanong ni Clyde sa 'kin.
Umiling lang ako at tumingin kay Venice.
“So, nagtagumpay talaga 'yung picture na binigay ko sa'yo!” sabi ni Venice at humalakhak.
“Hoy! Anong picture?!” inis na tanong ni Clyde.
“'Yung pabebe pose mo.” sabi ni Venice tapos ginaya pa 'yung pose ni Clyde.
'Yung tinutukoy ni Venice ay 'yung picture na pi-nost ko sa fb.
“Gaga ka! Ikaw pala ang salarin!” sabi ni Clyde sa pinsan.
“Whatever! Paupuin mo nga muna si Maxy tas bigyan mo meryenda!” sabi ni Venice.
“Hindi na, 'di naman ako magtatagal kasi ibibigay ko lang naman 'tong notes at assignment kay Clyde.” sabi ko tapos inabot kay Clyde 'yung notes at assignments na agad n'ya namang kinuha.
Aalis na sana ako ng bigla s'yang magsalita.
“Mag-uusap tayo Maxy, remember?”
“Ano naman ang pag-uusapan n'yo aber?” singit ni Venice.
“Ano namang pakelam mo do'n aber?” pambabara ni Clyde sa pinsan.
Gantihan lang daw bes.
“Heh!”
“Pero, 'wag mong sabihing may gusto ka kay Maxy ha Clyde?!” dugtong ni Venice.
“Actually...”
Pinigilan ko naman ang paghinga ko sa sasabihin pa ni Clyde.
“S'ya ang may gusto sa 'kin.” dugtong ni Clyde na kinadismaya ko naman.
“Akala ko naman ang sasabihin mo, ‘Actually, meron nga.’” sabi ni Venice.
Venice, parehas talaga tayo ng iniisip kaso lang masyado tayong nag-expect.
“Pero, ano kamo? Si Maxy may gusto sa'yo? Wow! Ang taas naman ng pangarap mo, 'di ko ma-reach! Wait lang Clyde, hanapin ko lang sa taas.” sabi ni Venice tapos tumingin sa taas at nakalagay pa talaga ang gilid ng kamay n'ya sa noo n'ya na mukhang naghahanap talaga.
“'Di ko mahanap!” sabi ni Venice.
“Leche ka Venice, lumayas ka na nga dito! Do'n ka sa bahay n'yo!” sabi ni Clyde.
“Taas kasi ng pangarap! Si Maxy pa talaga ang magkakagusto sa'yo? Kung ikaw ang may gusto sa kanya, hindi na 'ko magtataka! Pero 'pag si Maxy ang may gusto sa'yo? Nako imposible na 'yan! Nanaginip ka na n'yan.” natatawang sabi ni Venice.
“Maxy, magsalita ka naman.” sabi sa 'kin ni Clyde.
Napakamot nalang ako ng ulo at napaharap kay Venice.
“Venice ano kasi.” sabi ko at yumuko.
“Totoo 'yung sinabi n'ya.” dugtong ko.
“HA?! OMG MAXY! BAKA NAGAYUMA KA LANG NG HINAYUPAK KONG PINSAN!” gulat na sabi ni Venice.
“Inamo talaga Venice, umuwi ka na nga!”
“Heh! Ginayuma mo lang talaga si Maxy!”
“Leche!”
“Maxy, do'n nga tayo sa garden at baka masabunutan ko na 'tong Venice na 'to!” sabi ni Clyde tapos hinila ako.
“Maxy 'wag kang magpauto sa beki na 'yan!” habol na sabi ni Venice bago pa kami makapunta ng garden.
Nang nandito na kami sa garden, pinaupo ako ni Clyde sa isa sa upuan dito.
“So, ano? May gusto ka talaga sa 'kin?” deretsong sabi ni Clyde pagkaupo na pagkaupo n'ya sa tapat ko.
Tumango lang ako ng unti-unti.
“Bakit ang bilis naman ata? Parang nung nakaraan lang inaaway mo ko ha?”
“'Di ko rin alam.” nakayuko kong sagot.
“Look Maxy, aware ka naman na bakla ako diba?”
'Di ko na napigilan at tumingin na ako sa kanya.
“Oo.”
“Bakla ako.” sabi n'ya ulit.
Tumayo na ako at huminga ng malalim.
“Wala naman pala akong mapapala dito sa usapan na 'to, bakit mo pa ako pinapunta kung ayan lang sasabihin mo? Sige na Clyde, alis na ako.” sabi ko tapos tumalikod na sa kanya at naglakad na.
Pero, bigla akong napatigil sa sinabi n'ya.
“But, let's give it a try Maxy at baka sakaling gumana naman.”
“Let's date, Maxy.” dugtong n'ya pa na lalong nagpabilis sa tibok ng puso ko.
—
So guys, advance paalam ulit dahil malapit ng matapos 'tong MNG 😭 Kailangan ko na talagang tapusin 'to dahil magpa-5 months na 'to 😂
BINABASA MO ANG
Magnanakaw ng Gluta ¦ m.yg
Short Story「 COMPLETED 」 chat my heart series 2 out of 7: ❝ang epistolary na nagsimula lahat sa gluta, galing diba?❞ ✽ 05/16/2017 #33 in short story ✽ 05/21/2018 #9 in minsuga tag date started: 01/03/2017 date finished: 05/15/2017