I know na wala ng magbabasa nito kasi 2017 pa simula 'nung natapos ko 'to. Pero naisipan kong i-publish 'to kasi nakatengga na siya ng matagal sa drafts ko and alam ko hindi ako titigilan ng utak ko dahil kakaisip sa scene na 'to.
So eto na nga ang diary ni Maxy na kinuha ni Clyde. Enjoy kung meron pang magbabasa kung sakali! Maikli lang 'to hehez!
xx
C L Y D E
Hawak-hawak ko ngayon ang diary ng babaitang nagbebenta ng fake na gluta na nagngangalang Maxy Jewel Ocampo. Nakahiga ako ng patigilid ngayon sa kama habang hawak ang diary niya.
Nakuha ko 'to kanina sa bag niya habang nagbe-breaktime sila ng bestfriend niya. Ginalit niya ako, ha? Pwes hahanapan ko siya ng butas dito!
Buti nalang at nakita ko agad 'tong notebook niya na 'to dahil sa kulay pink na cover at pangit na penmanship niya sa harap ng notebook. "Diary ni Maxy" ang nakalagay with puso puso pa. Kala mo ganda ng sulat, eh!
Binuksan ko ang diary ng babaitang 'yun at ang unang bumungad sa akin ay ang first note niya.
Kung nabasa mo 'tong note na 'to pwes itigil mo na ang pagbabasa dahil masama ang magbuklat at magbasa ng Diary ng iba. Charot!
Masama raw ang magbuklat at magbasa ng diary ng iba pero dinadala niya sa school at itigil na raw ang pagbabasa? Sino bang tanga magdadala ng diary sa school? Edi si Maxy bobita!
Ginawa ko 'tong diary na 'to para ilabas ang aking mga ganap sa buhay at pati na rin ang aking feels para kay Fafi Nathan!
Fafi Nathan? Kadiri naman 'to!
Kaya self, samahan mo ako sa aking journey sa buhay! Isulat natin ang mga nakakabwisit at napakagandang pangyayari sa ating buhay!
Speaking of nakakabwisit at example na rin ng bwisit. Syempre si Clyde ang nangunguna d'yan! Ang bwisit na bakla nagnakaw nanaman ng gluta sa'kin?! Tangina niya!
PS: hindi na ata to intro, entry ko na ito dahil sa bwisit na Clyde na 'yan!
Nagmamahal,
magandang Maxy Jewel Ocampo ♡Bwisit ka rin at tangina mo rin, bobita! Maganda raw amputa! Mas maganda ako sa'yo, che!
Pero salamat talaga dito dahil masisiraan ko na siya. Linagyan pa ni tanga ng full name at pirma niya, ha? Lagot siya sa'kin ngayon.
Binuklat ko ang next page at binasa ito.
Dear Diary,
KINGINA TALAGA N'YANG TEACHER NAMIN SA MATH NA YAN! SARAP IKULONG SA POKEMON BALL NG FOREVER EH! AS IF NAMANG MAGAGAMIT KO YUNG LESSON NIYA PAG NANUKLI AKO AT PAG NAGBAYAD SA JEEP! YUN LANG DIARY!
PS: MENOPAUSE NA RIN ATA YANG TEACHER NAMIN NA YAN EH!
Nagmamahal,
magandang Maxy Jewel Ocampo ♡Wow! First entry palang pwede ng panakot kay gaga! Menopause pala, ha? Humanda ka sa'kin, tanga!
Tumihaya ako ng higa saka in-extend ang braso ko habang hawak-hawak ko ang diary niya gamit ang dalawa kong kamay.
Exciting ang pagbabasa nitong Diary niya, ha?
Bubuklatin ko na sana ang next page pero biglang may bumagsak na parang papel sa mukha ko. Linapag ko muna ang diary sa kanan ko at agad kong kinuha ang papel na bumagsak.
"Ano ba 'to?" reklamo ko saka tiningnan ko ito.
Hindi pala papel, picture pala 'nung babaeng 'yon.
Pinagmasdan ko ng ilang segundo ang litrato niya saka nagsalita mag-isa, "Ganda talaga, gosh! Siguro kung straight ako, ikaw jojowain ko. Business minded ka pa tapos medyo matalino." napangiti ako saglit at nang ma-realize ko ang sinabi ko ay nandiri ako.
"Yuck! Ano ba tong pinagsasasabi ko?! Kakasabi ko lang na mas maganda ako, ha?" binato ko ang picture niya at bumangon sa pagkakahiga.
"Anong maganda? Anong jojowain? Kadiri amputa! Ano ba 'tong sinabi ko? Kailangan ko mahismasan! Kadiri talaga!" nandidiring sabi ko habang nanginginig ang balikat.
Nakakakilabot! Anong business minded, eh mukhang peke nga ang gluta niya!
"Makapag-cellphone na nga lang!" kinuha ko sa study table ko na nasa kanan ng aking kama ang cellphone ko.
Nang makuha ay humiga muli ako sa aking kama ng nakatihaya saka binuksan ito. Pumunta ako sa messenger upang makita kung sino ang online.
"Ay, online si gaga. Maasar nga." sabi ko sa sarili saka pinindot ang pangalan niya at nagtipa ng message tungkol sa sinulat niya sa diary niya.
xx
After 3 years natapos ko rin 'tong special chapter na 'to! Na-miss ko kasi MNG and siguro regalo ko nalang 'to dahil 39k reads na siya aaaaa! Road to 40k reads na 'to huhu! Thank you sa mga nagbasa nitong MNG! Hindi ko makakalimutan mga readers nito dahil twice a month ko atang binabasa comments dito hehez! Eto rin kasi yung epistolary ko (na nakapublish) na may pinakamaraming comments!
Salamat sa inyo! Ewan ko kung last na 'tong special chapter na 'to perp malay natin baka may pumasok pa sa utak ko hehez! Salamaaaat!
BINABASA MO ANG
Magnanakaw ng Gluta ¦ m.yg
Short Story「 COMPLETED 」 chat my heart series 2 out of 7: ❝ang epistolary na nagsimula lahat sa gluta, galing diba?❞ ✽ 05/16/2017 #33 in short story ✽ 05/21/2018 #9 in minsuga tag date started: 01/03/2017 date finished: 05/15/2017