:Warning
-_-_-_-_-_-_-_- _-_-_-_
REIN'S POINT OF VIEW"Hoy! Anooo ba?! Akin to!" Sigaw ko sa lalaking nasa harap ko ngayon. Walang iba kundi si Kyro.
"Araay! Woo! Oo iyo- na! Niloloko lang naman kita e HAHA." Sigaw nya kasi hinampas ko sya haha. E kasi naman inagaw nya yung ham sandwich ko hay!
"Hoy! Mga malalanding higad!!! Mamaya na kaya kayo mag harutan! Kitang nag titinginan mga tao dito sa canteen e ang lalan----" Hindi na natuloy ni Patrice ang sasabihin nya dahil pinasakan sya sa bibig ni Drek ng tinapay haha.
Napatingin naman ako sa paligid. Oo nga ano haha. Pero hinayaan ko nalang sila tapos tinuloy ko nalang yung pag kain ko.
"Oo nga pala. May klase pa tayo. Mga 5 minutes nalang at start na ng class ko paktay!" Sabi ni Nico na naka kunot pa ang noo. Ang cuteee.
Sila ang mga kaibigan ko :) Masaya ako kapag kasama ko sila kasi parang sila lang sapat na saakin hihi...
Tumayo na kami sa pag kakaupo naming tapos nag usap na kami na mag hiwa hiwalay na para sa sunod naming class.
Chart Heart Academy. Yan ang pangalan ng school namin kung nasaan kami ngayon. 1 year palang ako sa school nato..(boarding school po yan)Nung first day ko dito, si Kyline agad ang naging kaibigan ko hanggang sa ipinakilala nya ako sa mga ka tropa nya so ayun naging ganito na kami ngayon.
One year palang ako at yun ang problema ko. Halos hindi ko pa kilala lahat ng mga nagiging kaklase ko. Yung iba sobrang nakaka takot kung maka titig.
Natatandaan ko pa yung babaeng kinausap ako dati na sobrang natakot talaga ako.Flashback_
"O Rein mag iingat ka ha. First time mo ito na hindi kami kaklase. Wag kang makikipag kaibigan sa iba samin lang ha. Haha" Natatawang payo saakin ni Kyline. Tumango naman ako bilang tugon.
Pumasok na ako sa classroom at umalis narin sila dun. Oo first time kong hindi sila naging kaklase ngayon. Pero pag katapos naman nito ay klase ko na sa english at kasama ko na si Kyro kaya no worries nako hihi.
Pag ka upo ko ay may lumapit saakin na babae. Familiar yung muka nya parang nakita ko na sya before. "Mga kaibigan mo?" Tanong nya sakin tapos binigyan nya ako ng mapait at parang may galit na ngiti. CREEPY!!!
Tumango nalang ako kasi hindi ko naman sya kilala e. "Tss. Wag ka masyadong mag tiwala sa mga akala mo'y kaibigan mo." Sabi nya. Ewan ko pero medyo kinilabutan ako dun.
"S-sino kaba? Bakit mo sinasabi sakin yang mga yan?!" Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para masigawan sya.
"Making kana lang kung ayaw mong mapahamak b*tch." Sa huling sinabi nya ay natimo nalang ako ayaw ko din ng gulo bago palang ako dito.