:Signs
_-_-_-_-_-_-_-_-_
REIN'S POINT OF VIEW
Linggo ngayon at inaasahan ko na mag papakita saakin si Xavier ngunit gaya ng sabi ko ni anino nya hindi ko nakita.
Nag lakad lakad muna ako dito sa hallway ng may nabunggo akong babae. Hindi ko sya kilala pero nakikita ko na sya dati pa.
"Rein tama?" Napalunok nalang ako bago tumango. Ganito sila ng lahat napaka creepy.
"Kilalang kilala ka dito alam mo ba yun?" Habang sinasabi nya ito ay bakas sa kanyang labi ang nakaka takot na ngiti.
"Huh? Hindi k-ko alam."
"Sundan mo ako. Kung gusto mong malaman ang sagot sa mga katanungan" Nabigla naman ako ngunit dahil sin sa kuryosidad ko ay sinundan ko sya.
Sinundan ko sya hanggang sa tumigil kami sa isang abandonadong classroom. Medyo natakot ako dahil sobrang dilim ng room na ito. Binuksan naman nya ang ilaw at sabay kaming pumasok.
Umupo sya sa isa sa mga upuan doon at sinenyasan nya ako na umupo narin. Kaya umupo ako sa tabi niya.
"May gusto ka ba kay Xavier Anderson?" Teka. Nabigla naman ako sa turan nya.
"Ha? Wala bakit naman.?" Sagot ko sa kanya."Pigilan mo Rein. Dahil pag dating ng araw ay sya mismo ang papatay sayo..."
Parang nagmustulang yelo ang buo kong katawan dahil sa sinabi nya. Nanigas ang aking kamay at paa at hindi maka tugon sa kanya.
"Ako si Therese Wayte. Isa ako sa napaka raming estudyante dito ang naka saksi ng lahat lahat ng naranasan ni Kate Smith. Ngunit himala at naka ligtas sya."
"Kakaiba si Kate. Napaka tapang nya. Chart Heart Academy. Mga estudyanteng napaka anghel ng muka ngunit may mga itinatagong demonyo sa likod nito. Maraming naka kubling sikreto sa paaralang ito. Akala mo ay perpekto na ang school na ito ngunit hindi tanga ka at pumasok ka pa rito. Pakiramdam ko ay mangyayari din sayo ang nangyari kay Kate."
"Pasensya na pero hindi ko maintindihan ang sinasabi mo e."