:Confused
_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_
REIN'S POINT OF VIEW
Isang araw na ang nakaka lipas mula ng makita ko si Xavier. Kapag mag kaka sama kami ay hindi na laging sumasama si Xavier. Nagalit na nga sila sa kanya e sabi nila pabayaan na lang daw kung ayaw nya.
Ewan ko pero sumusulpot lang sya lagi kapag mag isa ako. Parang patago nalang naming nag kikita haha charot.
"Hey Rein. Ano? Ano nang plano mo sa project natin? Ang tumunganga?" Para namang na alimpungatan ako ng sigawan ako ni Pinky. Yung ka partner ko sa project namin.
Oras ng klase namin ngayon at binigyan kami ng panahon para mapag kusapan namin ang tungkol nga sa project.
Pero lutang parin ang utak ko. Ewan ko. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Sinabayan pa ng bunganga nitong si Pinky. Hays... Buhay!
"Ok class dismissed. I hope na may napag usapan kayo kahit katingting lang ok bye." Napatingin ako kay Pinky na ngayon ay matalim na ang tingin sa akin. Pag ka labas ng prof namin ay sinabi ko na lang sa kanya na pumunta sya mamayang gabi sa dorm namin.
Pinky's POINT OF VIEW
Tatanga tanga naman yang si Rein eh! Lagi nalang tulala wala na ng maitulong sa project e!
Lintik na buhay!
at wow! Ako pa talaga yung pina papunta nya sa dorm nya! Augh!
Inis akong nag lalakad sa dilim papunta sa dorm ng demonya ng hilahin ako ng ngayon ay kilala ko ng lalake."Don't you dare call her demon or else..." Hindi na ako Naka sagot bagkus ay ngumiti nalang ako.
"Wow. Ang galing a! Parang mauulit ang dati at mahuhukay ang patay... Mag ingat ka baka masira ang plano nyo." Sagot ko sa kanya at tinanggal ang pag kaka hawak nya sa aking kamay at nag walk out.
Ngumisi ako ng sandali...
Mau ulit na naman...
Rein's POINT OF VIEW
Nag l laptop si Kyline sa sala at ako naman ay iniintay si Pinky. Hays! Ang tagal naman ng alagad ni Winnie the pooh. Haha.
"Sino ba kasi yang kaklase mo na yan? Ang tagal ha." Sabi ni Kyline na Naka kunot ang noo.
"Si---" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng unahan ako ni Kyline. Kasabay ng pag bukas ng pinto at ini luwan nito ang alagad ni Winnie the pooh.
"Pinky?" Bakas sa muka nilang dalawa ang pagka bigla na animoy mag ka kilala na talaga sila.
"Kyline. Nice meeting you again." Sambit ni Pinky at bakas sa gabi into ang ngiti.
Teka. Naguguluhan ako. Mag ka kilala ba sila?
"Pinky. Tanda pa kita weak." Sa pag kakataong ito ay parang na ngilabot ako sa ipinamalas ni Kyline nakakatakot ang tono at awra nya KAKAIBA.