Kuya
_-_-_-_-_-_-_-_-_-_
REIN'S POINT OF VIEW
MONDAY. Ano pa nga ba ang aasahan ko edi ang halos maraming project at paper works...
"Class dismissed..." Jusko mabuti naman at tapos na ang unang klase ko. Kasi wala naman akong maintindihan e.
"Rein."
"O Lucas. Bakit?" Eto naman kasing si Lucas. Kakalabas ko lang ng classroom e ayun nanggitla na talaga.
"Tara sa cafeteria..."
"Sige. Tara..." Pag kapayag ko ay pumunta na kami sa cafeteria.
Pag pasok namin ay nakita ko na naman ang dalawang malandi charot haha. Sino pa nga ba edi si Xavier at si Cheska!
Naupo nalang kami ni Lucas at tinanong nya ako kung ano daw gusto ko. Tulad kahapon ay sya na ang umorder. Syempre hindi ko mapigilan na tumingin sa dalawa. Mukang malalim ang pinag uusapan nila...
"Marami kana bang nahahalata?" Napatingin naman ako sa kung sinong nag salita.
"Therese?" Oo hindi ako maaaring mag kamali kilala ko ang muka nya. Tumango lang sya. Eto na nais ko nang malaman ang lahat.
Pag balik ni Lucas ay nagitla sya sa kung sino ang nasa harap ko.
"Therese?" Bakit? Mag ka kilala ba sila? Ay! Ang tanga ko naman at wala akong kaalam alam.!
"Lucas. Anderson.." Banggit naman ni Therese. Ano ba yan! Hindi ko na mapigilan at tinanong ko sa kanila kung dati pa silang mag ka kilala. Oo daw
-_-..."Nandito ako para kay Rein. Lucas, ayaw ko na mangyari kay Rein ang nangyari kay Ayana. Mas mabuti kung matutulad sya kay Kate. Handa." Wika ni Therese na eto namang si Lucas ay parang naguguluhan pa.
"Therese. Delikado ka. Tayo. Maaaring ikamatay natin ito." Yan ang sinabi ni Lucas.
"Lucas pag nangyari ulit ang dati ay mama matay din tayo kayat't ngayon ay kung sakaling mamatay man ako, ang mahalaga ay may naitulong ako." Pag katapos iyon banggitin ni Therese ay tumango na si Lucas.
"Sige. Rein, kung gusto mong malaman ang lahat, ay mag kita nalang tayo sa gymnasium. Bukas ng alasingko ng umaga upang walang makakita sa atin." Sambit ni Lucas habang naka tingin sa amin.