Chapter 8 - A Dream

232 32 2
                                    

"Huy! Adrianna, anong ginagawa mo jan?"

Napalingon ako sa gulat. 'Twas Chine. Nandito kasi ako sa likod ng bahay, hinahanap ang kwartong napuntahan ko kagabi. Umayos muna ako bago siya sagutin.

"Ah, w-wala naman... Ahm.." I don't know how to ask her kaya naman hindi ko masalubong ang mga tingin niyang mapang usisa, but... I really want to know!

"Go on, ask me. What is it?" She offered while smiling. Maaring nahalata niya na may gusto akong itanong sakanya.

"Kasi, may extra room pa ba dito? I m-mean, room underground?" I was a bit hesitant to ask her. Pero naguguluhan ako, sinilip ko kasi ang paligid ng bahay, hinahanap ang kwartong napuntahan ko kagabi.

Ayoko namang gamitin ang painting para puntahan ulit ang silid na napuntahan ko kagabi, nakaka trauma ang dilim ng paligid at ang mga mata ng lalaking iyon. Pero sa pag tataka ko, walang mababakas dito sa labas ng bahay na may kwartong katulad ng nakita ko kagabi. Maari siguro kung may underground room 'to. Dahil sa haba ng madilim na hallway na tinahak ko kagabi, malabo na nandito sa surface area ang kwartong iyon dahil katulad nga ng sabi ko kahapon, katamtaman lamang ang laki ng bahay na ito.

"Underground? Wala naman, bakit ba? Ayaw mo ba sa room mo?" I came back to my senses when Chinevel answered my question.

"W-wala. Ok naman yung kwarto ko." I answered her.

So kung walang underground room, saan ako napunta kagabi? O nananaginip lang ako? But that's impossible.

"What's bothering you Adrianna? You look-"

"HEY! You two, pinapatawag na tayo ni Lucas. Enough with your chit-chat." Leina interrupted. For once, I want to thank Leina. Ayoko muna kasing iopen kay Chine ang nangyari kagabi.

Hindi naman sa wala akong tiwala sakanya, but I think this matter is something that I should find out by myself. Ayokong masyadong maging pabigat sakanila.

**


HINDI ko alam kung anong ibig nilang sabihin sa pagbabago ng attitude ni Ms. Leziah dahil hindi ko naman siya gaano kilala, kaya tahimik lang akong nakikinig. Nandito kami ngayon sa 'secret room' dito sa HQ. Dito pala sa room na ito naka tago lahat ng armas, files, computers at iba pang mga gamit na makakatulong para sa Sui. Dito rin ginaganap ang mga importanteng meetings katulad nito.

Maluwang ang kwartong ito kumpara sa mga silid namin sa itaas, ito ang silid na matatagpuan sa likod ng game room. Bago ka kasi makapunta rito ay dadaan ka muna sa loob ng game room. Tinawag na secret room ito dahil hindi mo aakalain na sa likod ng isang pangkaraniwan na cabinet, may isa pa palang kwartong nasa loob nito. Hindi basta basta napapasok ito dahil sa higpit ng security.

Madilim ang buong paligid nito at may mahabang lamesang pinapalibutan ng mga pinag halong kulay pula at gintong upuan na tila upuan ng mga hari at reyna kung saan nakaupo kami ngayon.

"So what are we going to do?" Asked by Margaux. Hindi ako nag salita, nakinig lang ako sakanila.

"I don't know. Nakakapag taka kasi ang mga kinikilos niya. Hindi naman ganon dati si Ms. Leziah" Leina answered.

Yes, base on my observations kanina, Ms. Leziah actions is somewhat unusual, I mean.. she's so cold, no emotions at all parang robot lang siya sa harap namin kanina, but then again ayokong mag bigay ng opinion lalo na at wala akong alam.

The Healer's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon