Chapter 14 - Trip to the hidden cell

202 28 8
                                    

Adrianna's POV

Pupunta kami sa XI-A? Woah, exciting! Ito ang unang beses kong makaka punta don. Agad kong inayos ang aking sarili at sila rin ay nakita kong nag hahanda na upang makapunta doon, malamang ay sa secret passage kami dadaanan dahil mas mabilis doon, naikwento na kasi ni Chine sakin ang tungkol doon eh.



Nakita ko na hinawakan nila ang kani-kaniya nilang magical necklace kaya naman agad agad kong ginaya kung ano ang ginagawa nila. Hinawakan ko rin ang aking kwintas at mataimtim na pumikit, ng maramdaman ko ang mga yabag nila paalis ay unti unti ko namang idinilat muli ang aking mga mata at isang madilim na pasilyo ang sumalubong sa akin, madilim, napaka dilim!




Sinundan ko lamang sila papasok sa madilim na pasilyong ito, kahit papaano naman ay may naaaninag pa kong kaunting liwanag. Ngunit palayo ng palayo, padilim ng padilim ang paligid hanggang sa makarating na kami sa kalagitnaan ng pasilyong ito at wala na akong maaninag kahit isa.




Sobrang dilim ng paligid pero naririnig ko parin ang mga yabag nila, palayo ng palayo sa akin. Lakad takbo ang ginawa ko upang mahabol sila ngunit hindi ko alam kung saang direksyon ako tutungo. Mataimtim kong pinakinggan ang mga yabag nila habang inaalam ang direksyon kung nasaan sila pero patagal ng patagal ay pahina ng pahina ang naririnig ko hanggang sa tuluyan ng nawala ang tunog ng mga yabag nila.





'Nasaan na kaya sila?'



Nararamdaman kong mag isa nalang ako sa madilim na lugar na ito, madilim at napaka tahimik ng buong paligid. Nakakatakot! Ang nasa isip ko na lamang ngayon ay kung paano ako makakalabas sa lugar na ito.





Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero patuloy lang ako sa pag takbo, iniisip na sa dulo nito ay matatagpuan ko ang daan papalabas. Malayo layo narin ang natakbo ko at unti unti ay may naaaninag akong liwanag sa di kalayuan. Binilisan ko pa ang aking pag takbo hanggang sa makarating na ako kung saan ko nakita ang liwanag na ito.





Ano to? Isang portal? Paanong nagkaroon ng ganito dito? Saan patungo ito?







Dito kaya sila pumasok?




Maraming katanungan ang tumatakbo sa isip ko ngayon but I don't have any choice, wala na rin naman akong ibang mapupuntahan kaya naman kahit may pag aalinlangan ay pinasok ko na rin ang maliwanag na lagusang ito.





Pakiramdam ko ay unti unting hinihigop ng lagusang ito ang buong katawan ko at hindi nag tagal ay tuluyan na kong nakapasok sa loob nito..... pero..










"AAAAHHHHHHHH!!! AHHHHHHHHHHHHH! AAAAAAAAHHHHHHHHHH!"










"AHHHHHHHHH! HUHUHUH! HAAAAAAAHHHH!"









"AAAAHHHHHHHH!!! AHHHHHHHHHHHHH! AAAAAAAAHHHHHHHHHH!"










"AHHHHHHHHH! HUHUHUH! HAAAAAAAHHHH!"











'BLAAAAAAG! Creckk.'







"Huuuuuh! A-aaraaay! Awtss. huhuhu"





Nang tuluyan na kong nakapasok sa lagusang iyon ay naramdaman kong nahulog ako sa isang napaka lalim na lugar habang paikot ikot sa ere.







"A-aaraaay!" Nabali na ata lahat ng buto ko!




Unti unti ay tumayo ako mula sa pagkaka bagsak. Aray! ang sakit ng buong katawan ko. Nilingon ko ang paligid. Wait? N-nasaan ako? Bakit ang dilim parin? Nasaan sila Chine?





The Healer's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon