Chapter 13 - Clairvoyance

214 27 1
                                    

QUIN LEINA SUTAREZ POV

PAG katapos ng nangyari kanina, balik ulit sa normal ang buhay ng mga estudyante ng Xelion. Tsk! Parang walang nangyari kanina ah. Tuloy ulit ang ikot ng buhay, ganito ba talaga kalupit ang mundo?

"So ano yan? Tinatakot pa nila tayo? Tch!"

"Deviel! Huminahon ka nga!"

Bakas parin ang galit sa mga mukha ng Sui ng malaman ang lihim na mensahe ng mga numerong iyon.

"You'll be the next!"

Simpleng salita pero hindi nakakatuwa. Simpleng salitang nag babanta kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Agad na rin naming naireport sa XI-A ang krimen na nangyaring ito at ilang sandali pa ay darating na rin sila.

Hindi malabong maulit ang nangyaring ito dahil narin sa pag babanta ng kung sino man ang may kagagawan nito kaya naman pinag iingat ang lahat ng Xelios. Maari rin kasing hindi Velios ang may kagagawan nito kung hindi kapwa Xelios.

"MR. KIRO!" Biglang sigaw ni Chinevel kaya naman napalingon kami sa direksyon na tinitignan niya. Nandito na pala ang mga school staffs, agad naman kaming tumayo mula sa pagkaka upo upang salubungin ang mga bagong dating.

"Ipinapatawag kayo sa XI-A para sa kasong ito." Tango na lamang ang naisagot namin kay Mr. Kiro at humanda na upang pumasok sa sikretong daan patungo sa XI-A.

Naka hawak ang bawat isa sa amin sa kanya kanyang kwintas at pumikit ng mataimtim at muling idinilat ang mga mata upang makita ang nakatagong daan. Isang madilim na pasilyo ang sumalubong sa amin, walang kumikibo ni isa sa amin at pilit inaaninag ang madilim na pasilyo upang makarating sa dapat naming puntahan.

Hindi nag tagal ay naaaninag na namin ang dulo ng pasilyo na ito, ang XI-A. Isa isa kaming lumabas sa sikretong daan na ito at agad naman itong nag laho ng nakalabas kami.

"HOOO! ANG INIT! SIR KIRO BAKIT KASI DI MO PA IPA AIRCON YANG SECRET PASSAGE!" Pag rereklamo ni Deviel.

"Hindi panahon ng pag bibiro ngayon, Deviel!" Sagot ko sakanya. Seryoso ang sitwasyong ito kaya naman hindi dapat haluan ng anumang klaseng biro.

PUMASOK na kami sa isang silid kung saan ginaganap ang mga importanteng pag pupulong katulad nito. Kasama namin ang ilan sa mga XI-A sa kwartong ito. Sila Sir Kiro rin ay seryosong pumasok dito.

"Wala ba kayong nakitang kahit anong kakaiba bago nangyari ang pag patay?" Binasag ni Sir Helson ang katahimikan at tinignan kami isa isa.

"Deviel, wala ka bang napansing kakaiba? Ikaw ang nauna sa crime scene." Napukaw naman ang atensyon namin ng mag salita si Lucas.

"Wala, nag lalakad lang ako papunta sa cafeteria kanina dahil nga inutusan mo ko nang mapansin kong nag takbuhan ang mga estudyante sa direksyon na yon kaya naki takbo na rin ako. Nung dumating ako, wala ng buhay si Erwis."

"Wala ba kayong nakitang kakaiba?"


"Meron." Biglang sagot ni Thalia. Tinignan namin siya at hinintay ang mga susunod niyang sasabihin.

"Something's very strange. Look guys, ayon sa mga naunang nakakita sa crime scene, mga 15-20 minutes palang ang nakakalipas simula ng namatay ang biktima bago tayo nakarating, pero kapansin pansin ang biglaang pag tuyo ng balat niya." She explained.

The Healer's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon