Chapter 21 - She's Back

193 18 9
                                    

Adrianna's POV

Finally! Naka uwi na rin ako dito sa Headquarter. I'm very exhausted because of what happened yesterday. Alam ko naman sa sarili ko na wala akong ginawang masama pero hindi ko maiwasan ang kabahan. Paano kung madiin ako sa kasalanan na hindi ko ginawa? Paano kung pagka isahan ako ng mga Xelios at ipatapon sa malayong lugar? Hindi pwede!

"Oh ano? Masaya kana? Nakuha mo na yung gusto mo?!" Salubong na tanong sakin ni Leina. Huminto naman ako sa pag lalakad at nilingon ko ito. Hindi pa man din ako nakakapasok sa loob, eto na agad ang isasalubong niya sakin? Tss.

"Ano bang sinasabi mo Leina?!" Ayoko sana siyang patulan dahil pakiramdam ko ay wala namang patutunguhan tong usapan na 'to at isa pa pagod na pagod na ko. I don't want to waste my remaining energy just to argue with her.

Kaya matapos kong sabihin yon ay agad agad ko siyang tinalikuran paalis ngunit agad agad rin niyang hinila ang braso ko at iniharap niya ko sakanya.

"Don't you dare turn your back to me when I'm talking to you! Ano masaya kana? Napaniwala mo na ang lahat ng Xelios?! Eto ang tatandaan mo Adrianna." Aba! May gana pang duruin ako ng daliri niya!

"Sa oras na mapatunayan ko na ikaw ang kasabwat ng mga Velios, ako mismo ang papatay sayo!" Great! Just Great!

Tss! After saying that she left me here alone. Bastos rin eh! Sabi niya wag ko raw siyang tatalikuran pero siya naman itong tumalikod at nang iwan sakin. hays! Malala na rin ang isang yon.

I just ignore what happened at nag lakad na ulit papasok. Gusto ko ng mag pahinga. Pagod n pagod na ko!

"Adrianna! Andito kana pala." Sabi ni Thalia ng makita ako, papunta siya sa kusina.

"Ah oo. Akyat muna ako ha? Napapagod kasi ako eh" I said dahil baka kapag nag tagal pa ko dito ay hindi nanaman ako maka alis. Chinevel the second kasi ito eh. Isa rin tong madaldal.

"Sige. Baba kana maya maya ha? I'll cook our dinner." She smiled at me. Sinuklian ko rin naman siya ng isang ngiti at nag patuloy na sa pag lalakad paakyat ng hagdan.

Pinasadahan ko naman muna ng tingin ang buong paligid. Wala ang iba dito, malamang ay nasa kani kanila na silang kwarto. Nauna kasi sila ditong umuwi after ng meeting with the XI-A, hinold pa muna kasi nila ko para interviewhin ng masinsinan bago irelease.

Dapat ay ngayong araw ang first day ng Test na kailangan naming maipasa ngunit dahil sa unexpected na pangyayari na ito. Na adjust ito at bukas nalang daw itutuloy.

Wala namang reklamo sa mga Sui sa desisyon na pag paliban ng pag subok na aming pag dadaanan. Ang problema lang ay kami ni Leina. Mukhang hindi kami magkaka sundo na dapat ay hindi mangyari. We need to set aside our personal issues para mapag tagumpayan ang lahat ng pag subok. I'm willing to cooperate but knowing Leina, alam kong hindi niya gustong maka sama ako.




HAY! Grabe, ang sarap sa feeling na mahiga dito sa kama ko! Namiss ko to! Parang ang tagal kong nawala samantalang isang gabi lang naman akong hindi naka tulog dito. Hays! Hindi kasi comfortable sa tinulugan ko kagabi. Masikip ang kama at hindi ako makatulog dahil sa dami ng tumatakbo sa aking isip.

Hindi naman ako nag sisisi sa nangyari na iyon bagkus ay thankful pa nga ako dahil at last naliwanagan narin ako sa hinala ko tungkol kay Leina. Kahit na napag bintangan nila ako na spy ng mga Velios. Pero buti nalang, naniwala sakin ang mga XI-A. Thanks to Chinevel.

She testified that I'm innocent, siniguro niya sa mga XI-A na wala akong ginagawang kahina hinala at lagi kaming mag kasama nitong mga nakaraang araw na pinatunayan rin naman nila Thalia. Hindi rin nila ako binigyan ng punishment dahil wala namang matibay na evidence na may sabwatan nga na naganap samin ni Reio.

The Healer's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon