Chapter 15 - Thank you

221 28 10
                                    

"AKIN YAN DEV!!"

"SINO BANG NAUNA?! AKIN TO!"

"AKIN SABI YAN EH!!"

S-sino yung maingay? Unti unti kong idinilat ang mga mata ko. Nasan ako? P-paano ako nakapunta dito?

"ADRIANNA! GUYS, SHE'S AWAKE!"

Nilingon ko ang pinag galingan ng boses na iyon at nakitang si Thalia iyon. Nasa gilid naman niya ang dalawang nag babangayan dahil sa..... chocolate?! Tsk. Ang hilig talaga mang agaw ng pagkain ni Deviel!

Dahan dahan kong iginalaw ang katawan ko at ng matansya kong kaya ko ng umupo ay agad ko namang ginawa. A-aray. Napahawak ako sa sintido ko dahil biglang sumakit ang ulo ko.

"Bakit Adrianna?! Kamusta ang pakiramdam mo?"

~

" LUMAYO K-KAYOOO! HUHUHU"

"WAG KAYONG LALAPIT SAKIN!"

"WAAAAAAAAAHH"




"ADRIANNA!!"

~

Nilingon ko naman si Chine upang sagutin ang kaniyang tanong. Silang tatlo lang nila Deviel at Thalia ang nandito. Nasan kaya yung iba?

"O-okay na ko, mejo sumakit lang yung ulo ko. Teka, asan ba tayo? Paano ako naka punta dito? Nasaan yung iba?"

Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko ngayon. Ang huli ko lang na naaalala ay yung mga nakakatakot na taong nasa madilim na lugar na iyon, papalapit sakin at ang kanilang mga boses na nakakatakot! Akala ko hindi na ako makakalabas doon.

"Andito tayo sa XI-A, dito ka diniretso ni Lucas kagabi." Lucas? Bakit si lucas ang nag dala sakin dito?

"ADRIANNA!!"

"ADRIANNA!!"

So ibig sabihin si Lucas yun? Kay Lucas yung boses na narinig kong tumawag sa akin bago ako nawalan ng malay.


"S-si Lucas?! P-paano namang....."

"Nasa kalagitnaan kasi ng meeting kahapon ng napansin namin na wala ka kaya agad agad umalis si Lucas para hanapin ka! Saan ka ba kasi nag punta Adrianna? Nag alala kaming lahat sayo buti nakita ka ni Lucas!" Pinutol ni Thalia ang tanong ko. Saan nga ba ako pumunta? Ah, oo nga pala. Yun yung lugar na napuntahan ko noong pinasok ko ang madilim na pasilyo sa canvas sa Headquarter. Pero... anong lugar ba talaga yon at paano ako naka punta doon?


"H-hindi ko alam kung p-paano ako nakapunta doon. Hinahanap ko kasi kayo pero bigla kayong nawala. Wala akong makita dahil napaka dilim ng paligid ng nakita ko yung lagusang iyon. A-akala ko... akala ko pumasok kayo dun kaya doon rin ako pumasok. P-perooo..."

"Lagusan?" Nabaling ang atensyon ko kay Deviel ng putulin niya ang sasabihin ko.

"Teka, teka. Ibig mong sabihin Adrianna may lagusan doon? Paanong nagkaroon ng lagusan sa secret passage? Diretso lang naman yun papunta dito sa XI-A ah?"

"Oo nga Adrianna, diretso lang naman yun." Pagsang ayon naman ni Thalia kay Deviel. Ha?! Walang lagusan doon? Pero meron! Nakita ko!

"Meron! Pumasok pa nga ako sa loob non! Meron talaga! A-araay."

The Healer's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon