Chapter 19 - Reio

193 24 2
                                    

"Ano kayang mangyayari bukas noh?" Nag kukwentuhan kami nila Chine tungkol sa test na mangyayari bukas habang nag lalakad pabalik sa Headquarter.

"Hindi ko alam pero kinakabahan ako eh." So parehas pala kami ni Thalia ng nararamdaman. Akala ko ako lang. Alam ko naman kasi na sanay na sanay na sila sa mga ganitong bagay dahil na train na sila ng maayos sa iba't ibang aspeto ng pag gamit ng kanilang mga abilidad.

Ayon kasi sakanila, grade school palang nila dito na sila sa Xelion Academy nag aaral. Kumpleto kasi sa eskwelahan na ito, pero kapag naka tuntong na sa Junior High doon palang maiimplement yung caste kung saan hinahati ang mga Xelios into 2 class. The Xelios, for the regular class at Xelios Sui kung saan kami kabilang.

Ang patakaran dito upang maka graduate ka at maka tuntong sa college level ay kakaiba dahil hindi ang grades ang basehan kundi ang aming magical necklace. As soon as nag turn na into green yung kulay ng necklace namin, we will be able to step forward and study in college. Sa mga regular Xelio naman kailangan mag turn into red ang kanilang mga necklace. At kapag naka tuntong na sa college, same lang rin ng mga ordinaryong Universities, pero ang kakaibahan, more on practical training at talagang ihahasa physically, emotionally and spiritually at kung ano pa man ang may -lly. Pag dating sa college, they can take whatever course they like pero required nilang kunin ang mga subjects na related sa pagiging Xelios.

Ang Xelion Academy ay parang katulad lang rin ng mga ordinaryong eskwelahan, ang kakaibahan lang ay ang mga abilities na meron kami. Pinag dadaanan rin namin ang mga quizzes, exams, recitations, projects mas mahirap nga lang ang mga projects dito may mga trainings rin.

Tulad ng mga ordinaryong eskwelahan, nararanasan rin namin ang mag kopyaan! Well, mukhang si Deviel at Chine lang naman lagi. Normal lang rin naman dito sa Xelion, mas focus nga lang ang mga subjects tungkol sa pagiging Xelios namin pero meron parin naman kaming mga subjects katulad ng mga nasa ordinary school. Gumagamit rin kami ng ballpen, papel at bag. Nag gogoogle rin kami ng assignments, nakiki connect sa WiFi hahaha. Wait----...

YUNG CELLPHONE KO?!

NASAN NGA PALA YUNG CELLPHONE KO?!

Kinapa ko ang bulsa ko, kinalkal ko narin ang bag ko pero wala talaga!

"Adrianna, may assignment ka na ba kay Ms. Caira?"

"Wala pa eh, wait sesearch ko. Tungkol sa theory about the universe yun diba?"

"Oo sige, search mo na."

"Wait may password yung WiFi. Alam mo ba?"

"Ay oo nga. Iampretty password niyan"

"Ano ba yung hinahanap mo jan Adrianna?" Tanong ni Thalia, napahinto kasi ako sa pag lalakad dahil hinahanap ko nga yung phone ko.

Aha! Naalala ko na! Tch. Nalobat nga pala yung phone ko kanina nung ginamit namin para mag search ng assignment, naki charge nga pala ko sa room! Mwehehe. Aminin niyo! Nakiki charge rin kayo sa room niyo para tipid kuryente sa bahay niyo noh! Naku.

"Ah guys, una na kayo sa Headquarter. Nakalimutan ko kasi yung phone ko sa room eh, balikan ko lang." Sabi ko sakanila.

"Samahan na kita!" Alok ni Chinevel. Nako mapapagod lang 'to. Malapit palang naman mula sa room eh.

"Wag na Chine, kaya ko na. Una na kayo dun susunod nalang ako." Sagot ko sakanya at dali dali na kong tumakbo papunta sa room.

"Ayun!" Nakita ko naman agad yung phone ko. Hindi naman kasi ito mawawala dahil wala namang ibang nakakapasok dito eh. Kaya pala sabi ni ateng inglesera saka nung isang ateng nag hatid sakin dito noong unang araw, bawal daw sila dito. Bawal pala kasing pumasok ang mga regular Xelios dito eh.

The Healer's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon