002 || Natsukashii

1K 74 75
                                    

MINGYU’s POV

Kinakabahan. Hindi mapakali. Ganyan ako buong magdamag na nagtuturo sa harap si Wonwoo. Hindi ako makatingin sa kanya ng maayos kaya malamang, hindi rin ako nakakinig sa kanya ng maayos sa discussion niya.

May tatlo lang ako tinitignan buong magdamag na nagsasalita siya sa harap. Una, nakatingin ako sa bintana. Pangalawa, nakatingin ako sa projector dahil may prinepresent siya doon, as much as possible, I avoided his little eye contact that he’s doing with me. Pangatlo, nakatingin ako sa sahig.

The class ended with his cheerful greeting, “Goodbye class.”

Nagsialisan kaagad ang mga estudyante sa classroom. Ako? Hindi pa rin makaalis sa inuupuan ako. It seems like my butt is glued on the chair I'm sitting on. Ang hirap tumayo sa pwesto ko.

Nakatulala lang ako sa harap noong na-clear na ang classroom. Kaming dalawa nalang andito. Tumingin ako sa kanya, he’s busy doing something in his laptop. Nakapokus ang atensyon niya sa laptop niya lang.

Habang tinitignan ko siya sa harap, may nakikita akong mga pagbabago sa kanya. Una, napansin kong tumaba siya ng konti. Hindi kagaya dati na para siyang walking stick sa payat. Pangalawa, his grandpa outfit and aura hasn’t change. Medyo pang-matanda ang suot niya. Pangatlo, he’s still wearing those circle specs. But I don’t know if that’s the same frame he was using when we were in high school.

“Hindi ka pa ba aalis? Male-late ka na sa susunod mong subject.” Biglang tumalon ang puso ko noong bigla siyang nagsalita. Nakaharap pa rin siya sa laptop niya noong nagsalita siya. He talked to me like he didn’t left me for five years.

Napa-buntong hininga ako. Bigla atang umatras ang dila ko kaya hindi ako nakasagot sa kanya ng maaga. I cleared my throat and made an eye contact with the floor, I also started to tap my fingers on the armchair, “V-Vacant ang sunod ko.”

“Mhmm. Can you stay here for a while?” He asked. Kung makipag-usap talaga siya saakin, akala mo naman okay na okay kami nung umalis siya. Ngayon ko lang talaga ‘to sasabihin, pero napaka-walanghiya niya naman para ayain akong maiwan muna dito para samahan siya pagkatapos na pagkatapos ng lahat ng nangyari?

Tumayo na talaga ako sa kinauupuan ko. Ayoko nang magpalipas pa ng oras dit—

“Sht, aray.” Tanga, Mingyu, tanga. Naramdaman kong kumirot ang tuhod at siko ko. Tsk, dahil sa sobrang kaba ko, hindi ko nakita ang armchair na nakaharang sa dadaanan ko. Nadapa tuloy ako. Pinagpag ko ang pwetan ko at ang siko ko. Dahan-dahan naman akong tumayo at naglakad na parang walang nangyari.

Napatigil naman ako nung nagsalita ulit siya, "Still clumsy as before." He muttered, still looking at the laptop.

I smirked, “You still act and dress like a grandpa.”

“Thank you for the compliment.” He sarcastically said. Nagulat naman ako noong may hinugot siya sa dala niyang suitcase at bigla iyon binato saakin. Mabuti nalang at nahablot ko iyon, dalawang kahon iyon na ipinagdikit. Kumunot naman ang noo ko noong makita ko ang isang kahon na binigay niya saakin. Pepero double chocolate dip? Pepero green tea?

"Galing Korea. You're welcome. Sorry yan lang pasalubong ko sayo. Tsaka Mukhang wala ka namang balak makipag-usap saakin kaya pwede ka nang makaalis."

Kinagat ko ang labi ko. Gusto kong makipag-usap sa kanya pero hindi pa ako ready. Masyado akong nagulat na hindi ko na alam ang pwede kong masabi sa kanya.

Tumalikod ako. Bago ako tuluyang naglakad paalis, nagsalita ako, “L-Let’s just talk some other time.”

“Mhm.” Matipid niyang sagot. Hindi ko tuloy alam kung ano bang ibig niyang sabihin sa sagot niya.

Kinagat ko nanaman ang labi ko dahil nararamdaman kong nangingilid na ang luha ko. Parang ngayon lang nagsink-in saakin ang lahat. Parang ngayon lang ako nasampal ng realidad na nandito siya, na humihinga kami ng parehas na hangin. Binigla niya ako sa pagdating niya. He made the most unexpected way for us to meet again after five years.

Sana. . . sana hindi maging emotional torture saakin ang pagiging prof niya sa Literature subject ko.

"M-Mauna na ako.” I shakily said. Aalis na sana ako pero dumaldal nanaman siya, “Second year ka na dapat diba? Howcome you're still a first year college student? Nag-shift ka ba ng course?”

Bumuntong hininga ako. As much as I want to keep my reasons a secret, hindi ko na napigilan ang sarili kong sumagot, "I was diagnosed with depression and I need to attend a theraphy session for me to be cured. Hindi ako maka-cope up sa school dahil dun kaya tumigil muna ako ng pag-aaral ng isang taon. May iba ka pa bang tanong? Sabihin mo na, sasagutin ko." Mahinahon kong sambit. Humarap na talaga ako sa kanya ngayon.

After how minutes of giving his attention to his laptop, tumingin na rin siya saakin. Ngumuso siya sa kaliwa, senyas na kunin ko ang isang armchair at umupo sa tabi niya. Ginawa ko ang gusto niyang gawin ko.

Nakipagtitigan kami sa isa’t isa, “Kamusta? May girlfriend ka na ba?" Random niyang tanong.

Pinaglaruan ko ang daliri ko, "W-Wala. Wala akong girlfriend. . . Kahit boyfriend wala.”

He pressed his lips into a thin line, he was surely not satisfied with my answer. Kinakabahan talaga ako pero mas pinakaba niya ako sa sunod niyang tanong, “Were you still waiting for me?”

It took minutes before I answered him. Sinigurado kong tama ang maisasagot ko sa kanya. I want to be honest as much as possible. Dahil isang maling sagot, baka pagsisihan ko ito.

I slowly nodded my head, my lips formed a frown, “M-Mali ba? Mali bang hinintay kita sa loob ng limang taon?”

Dahil nakatingin ako sa sahig, nakita kong nilapit niya ang sapatos niya saakin at ipinatong niya ito sa sapatos ko. He made it to somehow comfort me in a very weird way, “I’m sorry for everything, Mingyu. I hope we can forget about everything that happened five years ago.” He does sound sincere with what he said.

I was still in the verge of absorbing everything when he suddenly spoke in a gentle manner, “It’s been five years, can we start over again?”

no updates next week 😭 malapit na exams namin tapos tambak pa ako sa performance task kaya semi-hiatus na muna ako hahaha

Natsukashii • meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon