010 || Natsukashii

745 56 16
                                    

6:38 PM

Shyne Kim
active now

Shyne: Haaai

Shyne: Tapos ko na gawin yung part ko sa reaction paper. Since natapos niyo na rin part niyo, print nalang ang kailangan gawin.

Mingyu: Okay

Shyne: Uhm ano, kaya lang may problema.

Mingyu: Ano?

Shyne: Wala akong printer 😭 Pati si Karl wala. Ikaw ba meron? Deadline na 'to bukas!!

Mingyu: Save mo nalang sa USB, ako nalang bahala. Soft copy ipapass natin.

Shyne: Huh? Sabi ni sir hindi raw siya maga-accept ng soft copy : (( Kasi daw nakakatamad magsave ng file isa-isa.

Mingyu: Tss, katamaran nanaman pinapaunlad ng prof na 'yon. Kaya 'di naunlad ang Pilipinas eh.

Mingyu: Basta save mo sa USB, ako na bahala.

Shyne: May tinatanim ka bang galit kay sir Jeon?

Shyne: O kaya vice versa? :0

Mingyu: Wala, bakit?

Shyne: Pansin ko kasi parang ayaw na ayaw niyo isa't isa. Utos dito, utos diyan si sir Jeon sayo. Tapos ikaw naman iirap o magdadabog muna bago siya sundin.

Mingyu: 'Yaan mo yon. Ako lang ata napagtripan.

Shyne: GAASPS

Shyne: May naisip ako!!

Mingyu: ?

Shyne: Baka naman kasi may gusto sayo si sir Jeon?!?! Kasi diba naalala mo nung first day!

Shyne: "nope, i have no interest in girls."

Shyne: Boi, baka bet ka niya O.O tapos nagpapapansin siya sayo.

Shyne: oMG NAKAKATAKOT

Mingyu: Patay na patay 'yon sa akin|

Mingyu: Baka nga

Mingyu: Ang gwapo ko talaga haha

Shyne: hOEMGEE, ANG UTAK KO TALAGA NAPAKALIKOT.

Shyne: Nako sorry huhu nevermind nalang!!

Mingyu: Halatado talaga. Dibale pagsasabihan ko|

Mingyu: Ay Shyne, handali.

Mingyu: Send mo nalang dito yung file, ako na kokopya.

Shyne: Sige, sige. Wait.

Shyne: ⬇ [GRP. 7] REACTION PAPER - LITERATURE.docx

Mingyu: Salamat

Natsukashii • meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon