004 || Natsukashii

1.1K 66 138
                                    

MINGYU's POV

"D-Daddy, I’m scared.” I can sense her fear with her voice. Yinakap ko siya ng mahigpit at tinapik-tapik ang likod niya. Buhat-buhat ko siya habang naglalakad kami. Ipinatong rin niya ang ulo niya sa balikat ko.

“Sshh, daddy is here Miho.” I muttered. Hindi na siya nagsalita pa kundi mas humigpit pa ang yakap niya saakin.

“Gusto mo ba ng chocolate, Miho? I have chocolates here.” Rinig kong tanong ni Hyunjin kay Miho. Naramdaman ko ang pag-iling ng anak ko sa balikat ko.

“Huwag mo na bigyan ng chocolates. Mamaya sumakit pa lalamunan niyan.” Rinig kong suway ni Seokmin.

“Grabe, minsan lang naman eh. Tsaka tumanggi naman kaya okay lang.”

“Baliw, eh paano kung pumayag siya? Edi hindi yun okay.” Pamimilosopo ni Minghao.

“Shut up, maglakad na nga lang kayo. Mamaya magugol pa natin mga multo dito.” Mataray na sambit ni Ira.

“Shu—” Bago pa man matuloy ni Minghao ang nais niyang sabihin, sumabat na si Tamiah.

“Ano ba, tahimik na.”

Naglalakad kami ngayon papunta kay Jiho. Sobrang dilim nga eh, tanging flashlight ko lang ang nagsisilbing ilaw namin. Kung bakit ba naman kasi hindi pa sila magpatayo ng kahit konting streetlights dito para makita naman namin dinadaanan namin.

The sound of the cricket and the crisp sound of the dried leaves we are stepping on are the only thing that we hear. Unless one of us speaks.

Kasama ko buong tropa kaya medyo maingay mga kasama ko. Sinisita ko nga sila palagi dahil hindi man lang nila ma-censor mga sinasabi nila. Alam na nga nilang kasama namin si Miho, hindi pa sila ma-ingat sa mga sinasabi nila. But even though they are noisy, their noise serves as Miho's comfort. Naririnig ko nga ang cute niyang tawa sa tuwing may nagbabarahan sa tropa ko kahit hindi niya naman sila maintindihan. Napapangiti tuloy ako ng wala sa oras.

“T-Teka, natatakot ako. Pasiksik nga, Hyunjin.” Rinig kong sambit ni Tamiah.

"Grabe ah, kanina nagtatapang-tapangan ka tapos ngayon todo hawak ka saakin?”

“Eeeh, naman kasi. Mamaya may biglang—”

“SA LIKOD MO!”

“KYAAAH!” Her scream echoed, “AISH, XIU MINGHAO MABUBUGBOG KITA MAMAYA. KAPAG AKO NAHIMATAY DITO AH.”

“Huwag ka mag-alala, sasaluhin ka naman namin. Diretso libingan ka, tutal nasa sementeryo naman tayo.” Pang-aasar ni Minghao.

Bigla kaming nagtawanan, “Daddy, ang kulit po nila.” Inalis ni Miho ang pagkakayakap sa leeg ko at humarap siya saakin nang may ngiti sa labi, “Don’t mind them. They’re a bunch of crazy people.” I joked.

“Just like you?” She curiously asked. Tignan mo ‘to, napakabata pa pero marunong nang mang-asar. Sinasabi ko na nga ba at may masamang epekto ang pakikinig niya sa mga ninong at ninang niya.

I frowned, “Of course not. Sa tingin mo ba baliw si Daddy?” Kunot noo kong tanong sa kanya.

“Yes! Baliw yang tatay mo Miho. Huwag mo gayahin.” Sabat ni Ira.

Miho shyly leaned her face on my shoulder, "Dad." She said, her voice muffled on my shirt. Na-overwhelm na ata siya sa kaingayan ng mga kaibigan ko.

"Don't mind them."

"Baliw, bata kausap mo oy." Sabi ni Seokmin kay Ira.

"Just stating a fact."

"Teka, teka! Nalampasan na natin si Jiho!" Napatigil kaming lahat noong biglang sumigaw si Hyunjin.

Natsukashii • meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon