after four years.
⚠ trigger warning nga po pala.
kung iniisip niyong may kababalaghan, inuunahan ko na kayo-wala po. . . 😂
siguro-?¿
THIRD PERSON's POV
"Once again, congratulations graduates!" Mingyu can't express himself right now. Lahat ng mga pinaghirapan niya, lahat ng mga araw na hindi siya nakakatulog ng maayos dahil sa walang sawang mga requirements, lahat ng mga araw na nakakatulog na siya sa klase dahil sa gabi-gabi niyang pagreview para makapasa-sa wakas, tapos na.
Every sweat and every sleepless nights became worth it.
Nagsimulang magsialisan ang iba't ibang graduate students sa kanilang pwesto upang hanapin ang kanilang pamilya. Nagsimulang mag-ingay ang bawat tao sa gym. Mingyu can hear thousands of proud compliments and he can see genuine and proud smiles of every parent he can encounter.
"Mingyu!" Lumingon si Mingyu sa pinanggalingan ng boses. Napangiti siya noong makita niya ang tropa niya na papalapit sa kanya habang may nakatampal na mga ngiti sa kanilang labi.
Minghao and Seokmin patted Mingyu's back. Nakipag-brofist ang tatlo sa isa't isa, "Congrats Monggo! Graduate ka na!" sambit ni Seokmin.
"Tapos na kalbaryo mo Monggo!"
"Oo nga eh, hindi ako makapaniwala."
"Mingyuuuu~ Congrats!" Inabot ni Heejin at Hyunjin ang dalang mallit na bouquet of flowers. Napangiti si Mingyu, "Salamat!"
"Congrats Mingyu!"
"Thank you Ira!"
"Congratulations Mingyu!"
Bigla namang napakunot ang noo ni Mingyu, "Sino 'yon? Narinig niyo ba yung nagsalita?" Sabi niya at nagkunwaring lumingon-lingon pa sa paligid.
Soon, Mingyu felt someone kick his legs. Para ngang biglang nanghina ang kaliwa niyang binti sa lakas ng sipa niya, "Aray! Ang sakit no'n Tamiah!"
"Minamaliit mo nanaman ako!" Sambit ni Tamiah na kanina pa pala nasa tabi niya.
"Eh maliit ka naman kasi talaga." Mingyu stated-as a matter of fact.
"Oo nalang. Pero congrats, sa wakas graduate ka na!"
"Salamat, liit. Salamat sa pagpapahirap saakin." Nakangiti nitong sabi habang ginugulo ang buhok ng dalaga.
"Yung mag-ama ko nga pala? Pati si mama, nakita niyo ba?" Tanong ni Mingyu sa tropa. Sila talaga ang kanina niya pa hinahanap.
Mingyu can see their smiles, ngumuso naman si Heejin at tinuro ang nasa likod niya. Mingyu looked behind him-and there he found Wonwoo carrying Miho on his arms. Nakita niya rin ang mama niya na nasa tabi ni Wonwoo, she's wearing a very proud smile.
Binaba ni Wonwoo si Miho. Her eight years old daughter attacked him with a very warm hug, "Daddy! Congrats, graduate ka na po!" The corner of Mingyu's lips automatically went up.
Mingyu ruffled Miho's hair. He bent a little so he can plant a soft kiss on Miho's forehead, "Salamat anak. Galingan mo rin sa school huh? Ilang years nalang graduate ka na ng elementary."
Humiwalay sa yakap si Miho at tumango ng may ngiti sa labi, "Yes daddy. I'll make you proud too."
"Good." Mingyu genuinely smiled.
BINABASA MO ANG
Natsukashii • meanie
Fanfiction| nostalgia duology #2 | completed | natsukashii : suddenly, euphorically nostalgic, triggered by experiencing something for the first time again : will they give a chance to fall in love again with each other for the second time around? ...