028 || Natsukashii

865 67 34
                                    

THIRD PERSON’s POV

“Mingyu, please? Ayusin mo ang paglalakad mo. Matutumba tayong dalawa eh.” Wonwoo felt Mingyu's weight on his shoulders. Nakaakbay lang naman sa kanya si Mingyu pero feeling niya buhat-buhat niya si Mingyu sa balikat niya.

“S-Sorry hyung. Nahihilo kasi ako. Paano ba maglakad ng maayos kung umiikot yung paligid ko?” Tumingin pa sa taas si Mingyu at inikot ang tingin sa paligid niya.

They stopped walking. Inayos ni Wonwoo ang posisyon nilang dalawa. Akay-akay niya ngayon si Mingyu habang naglalakad sila papunta sa condo niya. They’re currently standing on the middle of the sidewalk.

Sobrang nahihirapan na si Wonwoo kay Mingyu kaya tinanong niya ito—, “Do you want a piggy back ride, Mingyu? Mas mahirap pa 'tong pag-akay sayo kaysa ata sa pagbuhat sayo.” —kahit alam niyang mas mabigat pa sa dalawang sako ng bigas si Mingyu.

Mingyu shook his head from left to right, “No, grandpa Wonu. Kawawa ka naman, ang bigat ko kaya. Matanda ka na nga at nanghihina so bakit kita hahayaan na buhatin ako? Your bones might crack, your non-existing arthritis might be triggered and you might get oldeeeer and oldeeeer with every step you take.” He worriedly said but came a giggle afterwards.

Wonwoo shouldn’t be offended. But he can’t resist but to roll his eyes 360 degrees. Am I that old? Aish, lasing lang talaga 'tong isang 'to.

“Hehehe, I love you hyung. Joke lang ‘yon. Tara na, maglakad nalang tayo. Take it slow lang, hindi naman tayo nagmamadali diba? Nahihilo talaga ako. My world is spinni—! Hyung!!! Ibaba mo ako mas mabigat pa ako sa whaleeee sa ocean!”

"Tsk. Stop wiggling, puppy. Ayaw mo naman sigurong matumba tayo?" Mingyu is now on his back, giving him a puppy back ride. Naramdaman niyang pinatong ni Mingyu ang baba niya sa balikat niya. He can even feel Mingyu's warm breath on his skin.

Ah, ang bigat. But he still managed to walk, anyway.

"Hold on tight, puppy. Mahuhulog tayo, sige ka." Pagbabanta niya. Mingyu's arms is dangling on either side of Wonwoo's shoulder. Ni hindi niya man lang ipinulupot ang kamay niya sa leeg ni Wonwoo para masiguradong hindi siya mahuhulog.

Ilang minuto bago nakasagot si Mingyu, "I trust you, grandpa. You won't let us fall on the ground, right?" Mingyu said with his hoarse and sleepy voice. Pero ipinulupot niya rin naman ang dalawa niyang kamay sa leeg ni Wonwoo.

Wonwoo gently kissed Mingyu's knuckles, "I won't. But hold on tight for extra support, puppy." Wonwoo reassured.

Naramdaman niya ang pagtango ni Mingyu sa balikat niya. He even felt Mingyu kiss the back of his neck gently, that sent shivers down his spine, "Thank you. . ."

Wonwoo safely arrived infront of the condominium without them falling on the ground. Sobrang nangangawit na ang buong katawan ni Wonwoo dahil sa bigat ni Mingyu. Maybe, tumatanda na nga siya gaya ng sabi ni Mingyu. Medyo nanghihina na ang tuhod niya habang buhat ang malaking tuta na nasa likod niya.

Good thing the security guard noticed Wonwoo's dilemma. He offered him a wheel chair so he can just let Mingyu sit on it. Unfortunately though, nakatulog na si Mingyu kaya mahihirapan nanaman siya sa pagbuhat sa kanya mamaya kapag papahigain siya sa kama.

While Wonwoo is pushing the wheelchair, he is also supporting Mingyu's head that is hanging on the edge of the backrest. Alam niya kung gaano kahirap at kasakit magka-stiffneck kaya inaalalayan niya ito ng mabuti. He doesn’t want Mingyu to wake up with a sore and painful neck, so he held it with extra gentle care.

After riding the elevator, they arrived inside Wonwoo's condo unit. The first thing that Wonwoo did is to remove Mingyu's trench coat, shoes and socks. Pagkatapos ay dumiretso sila sa kwarto ni Wonwoo. While he is pushing the wheelchair, he can't help but debate with himself if he'll carry his giant puppy or wake him up so he can help Mingyu to lay down on the bed.

Natsukashii • meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon