Chapter 14: Preparation

115 6 1
                                    

Restaurant..

Nasa isang restaurant ang EXO kasama ang mommy at daddy ni Park.

Hindi nila kasama si Park dahil ang balak nila ay masurpresa si Park sa gaganapin na event mamayang gabi.

Ang restaurant na pag gaganapan ay pagmamay ari ng mommy ni Baekyun kaya hindi na sila nahirapan pa.

Halos lahat ng members ay sobrang busy sa mga ginagawa nila lalo na at nangako sila na tutulungan nila si Kai upang mapasagot nito si Park pero biruin ninyo hindi lang ang mga member ang todo effort pati ang mga magulang ni Park ay naki effort na rin.

Botong boto kasi sila kay Kai na maging boyfriend ng kanilang pinakamamahal na prinsesa na si Park.

" Hijo masaya kami ng tita mo para sa'yo dahil alam namin na hindi mo siya iiwanan dahil mahal na mahal mo ang aming prinsesa." - sabi ng daddy ni Park.

" Opo tito, tita aalagaan at mamahalin ko po ang anak ninyo. Hinding hindi ko po iiwan si Park dahil siya lang ang buhay ko at siya din  ang nilalaman ng puso ko. * sabay  turo sa dibdib niya * " - sabi ni Kai.

Nagtawanan naman silang tatlo.

" Ang sasaya nio ata ah? " - pagtatanung ng mommy ni Baekyun.

Lahat kasi ng malalapit kay Park ay nakikipag prepare din sa gagawin na dinner mamaya kaya ang mommy ni Baekyun ay naandun din.

" Sinu ba naman ang hindi matatawa o matutuwa kong malaman mo na may nagmamahal sa anak mo at baliw na baliw pa? " - sabi naman ng mommy ni Park.

Napangisi naman ang mommy ni Baekyun.

" Hay naku.. ang mga kabataan talaga ngayon pag nagmamahal." - sagot naman niya.

Pagkatapos ng kwentuhan nilang apat nakitulong na din sila sa pag aayos ng mga kagamitan.

Samantalang sina Kyungsoo, Suho, Tao at Kris ay tulong tulong sa kusina.

Sina Luhan, Lay, Baekyun at Kai naman nag aayos ng mga decorations.

At higit sa lahat sina Chanyeol, Xiumin, Sehun at Chen  sila naman ang naghahanda ng mga table at chairs.

***

Sa bahay

Katatapos lang ni Park kumain ng kimchi ng mapansin niya na halos apat na oras na wala ang mga kasama niya.

" Nasan na kaya ang mga yon? Kakatampo naman hindi man lang ako isinama sa lakad nila. " - pagtatampong tono na sinabi nito  sa sarili niya.

Tumayo ito sa kinauupuan at dumeretso sa pool nila upang magbabad ng paa habang nilalaro ang kanyang doggie na binigay ni Kai last week.

* Flashback *

Nakaupo si Park sa pool ng biglang my tumahol na tuta.

* burf burf *

Lumapit si Park.

" Hi baby doggie. " - pagkasabi niya kinalong agad nito ang tuta upang makipaglaro dito.

" Nagustuhan mo ba? " - pagtatanung ng isang lalaki.

Hindi niya alam kong sinu ang nagsalita kaya tumayo ito para malaman kung sinu ung lalaki.

Tumayo ito.

" Kai ikaw pala ?" - gulat na sagot niya sa binata.

"Oo hindi ba halata? Ahahaha." - sagot nito.

Lumapit si Kai kay Park.

" Tinatanung kita kanina hindi mo pa ako sinasagot." - tampong tono ni Kai.

I'm inlove with Kai my Childhood FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon