Chapter 13: Advice

114 7 0
                                    

Kai's POV

Halos one week nanaman ang nakalipas simula ng masurpresa namin si Park. Laking pasasalamat nito sa aming lahat.

At nung araw na yon nalaman at nakita naming lahat kung papano namiss ni Park ang magulang nito.

Tulad nga din ng sinabi ko sakanya na gagawin ko lahat para sakanya basta ikasasaya lamang nito.

Andito pa rin kami sa bahay nila sa batangas. Habang mga abala sila sa kani - kanilang gawain ako naman andito lamang at nagpapahangin sa isang mini garden na gusto ko laging puntahan lalo na kung gusto kung makapag isa.

" Kai pwede ka bang makausap? " tinig ng isang babae na nagmumula sa likuran ko.

Hinarap ko ito upang makilala ko kung sinu ang taong gusto akong makausap.

^.^

Nakita ko kung sinu ito..

Si tita lang naman ang future mommy ko . ^.^

" Sige po tita." tipid kong sagot.

Lumapit ito sakin.

" Kai sa totoo lang simula nung iwan mo ang anak namin ang laking pagbabago niyan. Hindi tumatawa o ngumingiti man lang yan. " - paliwanag ni Tita.

Hindi na lang ako umimik.

Nakinig na lang ako sa kinukwento nya.

Sa totoo lang?

Mahal pala talaga ako ni Park.

Ang swerte ko kong tutuusin kasi nasa kanya na ang lahat.

Hindi ko alam kong san ako pupulutin oras na mawala siya sa buhay ko.

Mahal ko siya.

Mahal na mahal.

" Kai, mahal mo ba ang anak ko?" - seryosong tanung ni Tita sakin.

" Tita kaya po ako umuwi dito ay dahil sa anak ninyo. Mahal na mahal ko po ang anak ninyo. " - paliwanag ko naman sa kanya.

" Kaya mo ba syang alagaan?" - paguusisa pa nito.

"Kayang - kaya ko po tita." - sabi ko dito.

Sasagot pa sana ako ng biglang dumating si Tito ang daddy ni Park.

Lumakad ito papalapit samin ni Tita.

"Hijo, ang nais lang naman namin na iadvice o ipahiwatig sayo ng tita mo ay kung mahal mo talaga siya ipakita mo at iparamdam mo dahil baka sa huli magsisi ka. Tsaka siguraduhin mo din na hinding hindi mo sasaktan ang aming anak dahil ayaw na ayaw kong malalaman na umiiyak siya dahil sayo. Nagkakaintindihan ba tayo? " - paglilinaw sakin ni Tito.

" Opo makakaasa po kayo na hinding - hindi ko po sasaktan at papaiyakin ang inyong anak. Aalagaan at proprotektahan ko pa po." - sabi ko sakanila.

Hindi na sila sumagot.

Ngumiti na lang ito sakin.

Ibig sabihin lang nito may chance na akong mapasagot si Park. Pero hindi muna ngayon kelangan ko pa itong paghandaan.

Park's POV

Andito ako ngayon sa kwarto para maglinis dahil halos isang buwan ko na itong hindi nalilinis.

Habang naglilinis ako nakaramdam ako ng pagod kaya nakapag decide ako na umupo muna sa malambot kong kama.

Habang nakaupo ako kinuha ko ang picture frame naming mag anak kasama si Kai ♥

I'm inlove with Kai my Childhood FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon