ABN Chapter 1: Leadership

227 19 7
                                    

Dedicated to TrueBeaMe. Mwa!

~•~•~•~

Mal's Point of View

Lumakad ako ng naka-taasnoo patungo sa may stage at huminga ng malalim.

"First of all, to the Golden Woods University students and faculties, good morning," paninimula ko.

"Ehem, hahaha. My name's Michelle Andree Llanes, everyone calls me Mal," I flash a smile before continuing.

"Ok, so nandito ba tayo para saan?" parang prof kong pag-asta at nilingon bawat isa and they answer me, 'For an election, of course.' kaya tumango-tango na lang ako bago naman humarap sa isang katunggali ko dito. "Why are we standing right here, Ms. Carson?"

Napansin ko ang palihim niyang pag-irap at sumagot sarcastically, "Uh, it is really obvious that we are all right here to witness this GWU SSG election."

I laugh so hard. As in halakhak.

"S-sorry,  natawa lang ako," I cleared my throat before speaking. "Seriously speaking, we are not only here for this election 'cause we are here for the sake of the campus' peace. Nandito tayong lahat hindi para maglaban, magtaasan, magyabangan at manalo dahil kahit matalo man ay pwede ring gawin ang mga ganitong bagay katulad ng ginagawa ng GWU SSG officers. Well, leadership lang ang wala ng iba. Hindi tayo nandito para maglaban, nandito rin tayo para magtulungan and kung sakaling manalo ako, all you want for GWU? Name it and I'll give it. Once again, vote Mal for Golden Woods SSG President. Good morning and thank you." mahaba kong sabi at saka dumiretso sa tabi ni Kaysee Carson.

"Hm, matalino ka rin pala, 'no?" mukhang nang-aasar na sabi niya dahil na rin sa tono ng pananalita niya.

Humarap ako sa kanya na nakataas ang kanang kilay pero ako naman ay ngumiti lang sa kanya, "Ms. Carson, ang katalinuhan ay hindi binabase sa mga salitang iniluluwa. Dahil ang totoong dunong ay nakikita sa bawat kilos at paggalaw ng isang tao."

Ibinalik ko na ang tingin ko sa MC na nagsasalita at binalewala ang nag-uusok na si Kaysee sa tabi ko.

"...But for now, let's take a break muna bago magpatuloy sa voting center." ani MC ng program at saka unti-unting nauubos ang mga tao sa lugar.

Inayos ko na rin ang gamit ko nang may biglang lumapit sa akin na parang 1st year high school student. "Uhm, ate? Pwede po bang pa-autograph? Idol na idol ko po kasi kayo, eh," medyo nahihiya pang wika niya at inilahad ang isang sign pen at notebook na puro pictures ko with awards. Woah!

"Oh, haha. #1 fan na kita," I joke while signing at binigay ko na sa kanya. "Thank you for supporting me, 'lil girl."

"Uh, h-haha. B-bettina na lang po," nauutal pang aniya. "Sige, Bettina. I appreciate your efforts. Thanks," saad ko at lumakad na rin siya palayo.

"Hah! May fan ka na rin pala, 'no?" narinig ko na naman ang tinig ng babaeng inis na inis sa akin.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang sa ginagawa ko. I heard her gasped, "W-what the fuck?!" Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi ko na namalayan na nabuhusan na pala niya ako ng isang mainit na kape.

Naiwan pa akong nakanganga sa gulat nang bigla niya namang niluwa ang gum at nilagay sa buhok ko.

"W-what did you do?" mahinang sabi ko ngunit alam kong sapat na para marinig ni Kaysee. "Hm, well, bagay na sa 'yo 'yang ganyang look. You look like a trash!" naka-taaskilay niyang sabi at saka tumawa bago umalis.

Ang Bittererang NerdWhere stories live. Discover now