ABN Chapter 6: Third Wheel

72 10 2
                                    

Hello, guyseu! Sa lahat ng silent reader and active reader, please continue to support my story. Vote! Comment! And spread the love, hakhak!

~•~•~•~

Mal's Point of View

"Zion?" bulong ko sa kanya ngunit napailing na rin. Ghad! This is not true.

Bumitaw ako sa kapit at dire-diretso sa pagtakbo palayo. I just ran as fast as I can at hindi lumilingon.

Para akong nakakita ng multo!

Lumakad ako pabalik at biglang pumasok sa clinic.

"Good morning, Ma---Oh, God! What happened to your head?!" nagulat ang nurse at nag-panic sa pagkuha ng mga gamit niya.

Nagtaka ako at tumingin sa salamin. "Gosh. Malala pala."

"Come here, come here," utos niya.

Mga ilang minuto rin ginamot 'yung sugat ko bago matapos. "Ayan na. Hm, hindi naman gaanong malala 'yung nangyari. Siguro malakas lang talaga ang impact ng pagtama sa 'yo."

Nagpasalamat ako sa kanya at umalis na rin sa clinic.

Hays, Mal. Baka namamalik-mata ka lang. Eh, sabi nga ng nurse, gano'n daw kalakas ang pagtama ng bola.

Aish. Napailing na lang ako at dumiretso sa next class ko. Math. Grrr!

***

"Get one and pass these papers," sabi ng prof at tamad na kinuha ito ng mga kaklase ko.

"Hm, wokey! 60-item quiz, you have 2 hours to answer those. Start now," saad niya at lumabas. Napansin ko 'yung hawak niyang libro.

"Just The Benefits?" namamangha kong tanong sa sarili ko at napailing lang.

***

"What is the TSA of a cylinder?" paulit-ulit kong tanong sa sarili ko. Ghad!

"TSA of a cylinder. TSA," ako.

Isip, Mal. Anukaba?! Huhu! Hindi ko---.

"Pssst."

Lumingon ako do'n sa sumutsot. Teka...

"Pssst. Huy!"

I tried to look behind at doon ko nakita ang lalaking sumutsot. Si Zion.

Zi---OH MY GOD! SI ZION?!

Pinukpok ko ang ulo ko at umiling. Michelle Andree Llanes, wala si Zion.

Patuloy ako sa pag-iling nang biglang may humablot sa kamay ko kaya napamulat ako sa sobrang kagulatan.

"Tsk. 'Wag kang OA masyado. Hindi ka namamalik-mata kasi totoo ako." tamad na tamad na paliwanag niya.

Tsk. Wala pa rin siyang pinagbago.

"Wushu chubachernazz! Bakit ka ba sumusutsot?" pag-iiba ko ng topic.

Ngumiti siya at may inabot na papel.

Ang Bittererang NerdWhere stories live. Discover now