ABN Chapter 9: A Girlfriend's Trust

66 7 3
                                    

Mwahaha! Ini-spoil is 🔪. Choz! Dedicated to mSpretty1718! Niiinang!

~•~•~•~

Mal's Point of View

"Ok, I'll group you into 2 groups. You'll be having a debate, so Llanes and Marasigan are the leaders. The 2 of you, come here and get the list of your group members," maaksyong sabi ng professor namin kaya agad naman kaming tumayo ni Marie.

Iniwan niya muna kami dito at hinayaang mag-usap ng kaunting oras.

Binigay na rin niya ang mga topics at ang mechanics achuchu.

"Hm, practice muna tayo," paninimula ko. "Ikaw, Kuya Zy, find 3 members and ako, I'll find 3 members din. Tapos ikaw," turo ko sa isang member, "You will give at least 6 or less topics na ipagde-debate namin," page-explain ko.

Nang maayos na namin ay nagsalita na 'yung member na in-assign ko.

"Ok, Mahal mo o mahal ka? Mal's group is 'mahal mo' and Zion's group is 'mahal ka.' You may start...right now!"

"Kung ako papipiliin, I'd rather choose the one who loves me, dahil siya! Madalas kasing mga perfect sila, na gagawin nila ang lahat para lang mapasaya kami kahit na alam nila, na alam niya na hindi pa namin sila mahal. But! Take note, pa. Hindi sila mahirap mahalin kaya mas pipiliin ko pa ang gano'n," pangununa ng isa.

"Hm. Sa mga words po, mukhang ginagawa mong rebound ang taong mahal ka. Eh, mas mabuti pa nga ang mahalin ang taong mahal m---."

"Pero hindi ka naman mahal, Llanes," at umepal na si Zion.

"Shut up! Hindi pa ako tapos! Mas mabuti pang piliin ang taong mahal ko kahit hindi ako mahal kasi makita ko lang na masaya siya sa iba edi kuntento na ako," pagpapatuloy ko.

"Tss. Llanes, nagmumukha kang martyr. Sige, sabihin nating gano'n pero hindi mo man lang ba iisipin ang sarili mo? Babalewalain mo ba 'yung puso mong nasasaktan na?" sabat muli ni Zion.

"Eh, kesa naman sa inyo na pipiliin ang taong mahal kayo kahit hindi niyo sinusuklian ang mga effort nila!" ako.

"Hey, excuse me! It takes time naman! Lahat ng bagay ay hindi minamadali at ang kelangan ay slowly but surely," 'yung isang may boyfriend na kaklase ko ang may sabi kaya napatahimik ako.

"Eh, paano kung hindi kayo destined? Na naging parte lang pala siya? At tsaka paano kapag hindi mo minahal? Pesteng rebound 'yan!" isang ka-grupo ko ang sumagot.

Hindi ko na magawang sumagot.

"Tandaan mo! Tandaan niyong lahat! Hindi natuturuan ang puso!"

And there, umalis ako sa lugar na 'yun. Hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman ko na pa-parang...

Hindi niya ako mahal.

Zion's Point of View

Hahabulin ko sana siya pero nang mapansin kong nakatingin lang siya sa baba mula sa rooftop, hindi ko na siya sinundan dahil alam kong kelangan niya munang mag-isip.

I decided to go back sa classroom at dahil hindi ako mahal ni pagkakataon, nakasalubong ko pa ang asungot.

"B-bro," siya.

Ang Bittererang NerdWhere stories live. Discover now