ABN Chapter 5: He's Back

85 12 5
                                    

Dedicated to yourlonglostqueen!

~•~•~•~

Mal's Point of View

Naglalakad ako ngayon sa may pathway papunta sa SSG Office to submit all my weekly reports and plans for the upcoming events sa GWU.

"Look, gals! It's Mal!"

"OMG, narinig niyo ba 'yung news?"

"Na umiyak si Bwi sa concert?"

"Tangek, hindi! Baka #1 ang Exo!"

"Huh? Teka, saan 'yun?"

"Sa mga pinakafamous na group, obviously. Duh!"

"Ah, 'yun ba 'yu---?"

"Argh! Tumahimik nga kayong dalawang palakang istupidang letse!"

"K, fine. Sarreh."

"So, seryoso na. Ano ba 'yung news?"

"Hm, in a REALationship na si Mal! And guess what? With the famous and hot cutiepatotie Zachary Mendoza!"

"What the f---?!"

Lumapit na ako sa kanilang tatlo at nginitian sila ng sobrang lawak. Bahagya silang tumungo at umatras.

"Hm, good morning. Sa mga narinig ko, kilala niyo naman ako. Well, yes. Mabait ako...sa mabait. Plus, Golden Woods University Rule #6; Bullies and gossips not allowed. That's all. I hope you don't mind following the rules." saad ko at nginitian sila bago talikuran.

Dumiretso na ako sa pupuntahan ko and thank God na wala naman akong nabunggong tao. Umiiwas na rin naman kasi sila kaya madali na ako kumilos papuntang office.

"Aww! Aray!" pag-inda ko nang biglaang tumalsik lahat ng papel na hawak ko sa sahig at parang nabalian ako ng buto sa paa.

"S-sorry, Miss. I have to go!" mukhang nagmamadaling sabi ni Kuya at saka tumakbo palayo. Tss, walang tinulong?

Tumayo ako mag-isa at saka isa-isang pinulot ang mga papel habang iika-ikang maglakad papuntang office. Aish.

"Good morning, officers. Here's the list of the upcoming ev---," hindi pa natapos ang sasabihin ko nang natigilan sila at lagpas ang tingin sa akin. Lumingon ako sa likod pero...

"Wala naman, ah? Sinong tinitingnan niyo sa likod ko?" nagtatakang saad ko.

Napailing na lang sila at bumalik na sa trabaho tsaka lumapit sa akin ang Secretary, si Angel. Yazzz, mga babies. Angel nga kasi, mabait 'yan. Lol.

"Ito na pala 'yung mga events na plano ko. Well, magpapatawag na lang ako ng meeting para ma-finalize 'yan," ani ko.

"Copy, President. Thank you," saad niya at bumalik na sa place niya.

I decided to go to the canteen kasi hindi pa nga pala ako nagla-lunch. Haist.

*kring kring*

Phone call 'yan. Don't me.

"Ehem, hello?" bungad ko sa caller.

"Hi, baby. Nasa'n ka?" si Z.

"Hm, hello. Nasa canteen na ako, I'm taking my lunch pa lang," ako.

"Sabi ko huwag kang magpapagutom. Tsk, pupunta ako diyan," nagulat ako sa sinabi niya kaya napatayo ako sa upuan ko.

"W-what? No!" medyo napalakas na sabi ko at ikinabigla niya.

"Wait. Are you doing something behind my back, baby?" siya.

T-teka. Hanudaw?! Pffft, bwahahaha!

"Are you kidding me, Z? Pffft, I will never do that to you, baby." at ako pa mismo ang nag-blush sa sinabi ko.

"Hm, good to know. Oh siya, hindi na kita pupuntahan pero ihahatid na kita mamaya and I insist," siya.

I just nodded kahit hindi niya nakikita, "I love you, bby. Mwa! Laters!"

And there. I ended the phone call.

Dismissal na.

Nandito ako sa usual spot ko and favorite place ko sa buong university. Sa ilalim ng puno, nagsa-soundtrip.

I'm currently listening to Exo El Dorado song. Music to my ears, my kings.

(A/N: Trip ko ilagay, eh. Mwahaha!)

Nasa high note na ako ni Baekhyun mah labidabs nang biglang may tumamang soccer ball sa ulo ko. Srsly?!

"Aww!" usal ko at napapikit sa sobrang pag-inda ng sakit.

Una, sa paa. Tapos ngayon, sa ulo?!

"Humayghad! What happened?!"

"'Yung famous freshman yata 'yung nakatama sa kanya!"

"Hala siya! What to do?!"

"Oh My God! Walang kikilos?! Srsly?!"

Hindi ko na pinapakinggan ang bulungan nila at saka tumayo mag-isa ngunit na-out of balance ako.

Hm, teka.

Bakit...bakit hindi ako natumba?

Binuksan ko ang isang mata ko at nagulat ng muli ko siyang makita. Muli.

"Zion?"

Am I dreaming? Tell me, I am. Why?

Zion's back. He is definitely back!

~•~•~•~

Long time. Huweh! Sarreh na, ang short pa naman ng update ko. Huhu! Leave a vote and comment, mwa!

Ang Bittererang NerdWhere stories live. Discover now