18TH ROSE || Mission #11: Convincing the Cold Billionaire!

20.8K 717 53
                                    


18TH ROSE || Mission Number 11: Convincing the Cold Billionaire! (Tric Marion Baek)

18TH ROSE || Mission Number 11: Convincing the Cold Billionaire! (Tric Marion Baek)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

18TH ROSE || Mission Number 11: Convincing the Cold Billionaire! (Tric Marion Baek)

- MICHELLE SUMASTRE -

Naramdaman ko naman ang paglingon ni Quia sa gawi ko habang naniningkit ang mga mata ko dahil sa nararamdaman ko.

"Michelle, okay ka lang ba?"

Suminghot naman ako. "Ha?"

"Ang sabi ko, okay ka lang ba? Kanina ka pa ubo ng ubo eh. Uminom ka ba ng gamot?" tanong n'ya sabay hipo ng noo ko.

"Okay lang ako," sagot ko pero nagtaksil naman sa akin ang katawan ko dahil bigla na naman akong inubo.

"I think you're not okay. Look, Michelle, you're having a cold. I think you should go now to the clinic and get some rest," nag-aalalang saad ni Quia.

Umiling naman ako at ngumiti sa kanya. "Hindi, okay lang ako. Iinom ko lang ito ng kalamansi juice at mawawala rin 'to mamaya."

"Are you sure?"

"Oo naman. Ako pa?" ngumiti naman ako nang malapad sa kanya para makumbinse s'ya.

"Sabi mo eh. Pero kapag kakaiba na ang pakiramdam mo, pumunta ka agad sa clinic ah?" aniya. Tumango naman ako at nag-focus ulit sa pagsusulat.

Buong period ng klase ay iniinda ko ang pananakit ng ulo ko. Ayoko namang umabsent kaya tinitiis ko na lamang iyon maging ang ubo at sipon ko. Nakailang inom na ako ng kalamansi juice ay hindi parin humuhupa ang pananakit ng ulo, sipon at ubo ko.


"Sumastre," napalingon naman ako sa adviser namin na may dala-dalang box. Kakalabas ko lang kasi sa classroom para pumunta ng library. Dun ko kasi balak umidlip kasi tahimik. Balak ko kasing itulog ang nararamdaman ko. Hehehe.

Bahagya akong suminghot bago lumapit sa kanya. "Yes, sir?"

"Pinapatawag kasi ako ng Principal. Gusto ko sanang ikaw nalang ang maglagay nito sa stock room," aniya sabay bigay ng kahon sa akin. "Thank you."

Tumango naman ako. "Okay po sir."

"I heard, nakumbinse mo na silang lahat na sumama sa atin sa Outside School. Good job, Sumastre," ngumiti naman s'ya sa akin.

"Ah, hehehe. Hindi naman po... may isa pa pong natitira sa kanila."

"But I know makukumbinse mo rin s'ya. Go get it!" malapad na ngiti naman ang iginawad n'ya sa akin.

Bahagya naman akong tumango at ngumiti sa kanya. "Opo, sir. Sige sir, dadalhin ko na po ito sa stock room."

Tumango naman s'ya bago ko s'ya tinalikuran.

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon