118TH ROSE || The Woman To Date, The Woman To Marry

12.9K 417 73
                                    

118TH ROSE || The Woman To Date, The Woman To Marry

118TH ROSE || The Woman To Date, The Woman To Marry

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- MICHELLE SUMASTRE -


Hello angel geurim gata

(Hello angel, you're like a painting)
haneureul bomyeon neoman boyeo

(You're all I see when I look to the skies)
City street lights buri kkeojigo

(City street lights, even if the lights go out)
dari sarajeodo nuni bushin geon

(And the moon disappears, it's bright because)
haneuri tteoreoteurin byeol

(I have a star that fell from the skies)
geuge baro neonikka ~

(And it's you)



Agad kong kinapa ang cellphone ko para sagutin ang tawag n'ya. Oo, sa ringtone palang ng cellphone ko ay alam kong s'ya mismo ang tumatawag mapa-roaming call man o local call. Pina-assigned tone n'ya kasi 'yung kanta sa mismong number n'ya kaya alam kong s'ya ang tumatawag ngayon.

Sumilip muna ako sa oras na nakatatak sa cellphone ko. Teka sandali—alas onse y media na ng gabi? Seryoso ba s'ya? Tumatawag ng disoras na ng gabi? Buang na Alien talaga ang lalaking 'to.

"Hello?" bahagya kong kinamot ang aking mata na medyo sumakit dahil sa silaw mula sa screen ng cellphone ko.

"Did I wake you up?" his voice was husky on the other line.

"Hmm," tumango ako.

"Sorry if I wake you up. Matulog ka na ulit. Bukas nalang ako tatawag."

"Hindi, okay lang," napaupo ako sa aking kama. "Alas onse na ng gabi ah? Bakit gising ka pa?"

"It's 12 AM here in Seoul," sabi n'ya.

"Ano? Nasa Korea ka? Alas siete pa nung umalis ka sa restaurant namin tas ngayon, nasa Korea ka na?"

"Of course, I have a private plane, babo," he snorted.

Sabi ko nga may private plane s'ya.

"Edi wow, ikaw na mayaman. Prsh," ani ko. "Bakit ka pala napatawag?"

"I miss you," sumikdo ang puso ko sa naging sagot n'ya.

The effects of this guy to me.

"Namiss mo ako? Agad-agad? Kakakita lang natin kanina at nag-uusap na tayo ngayon, namiss mo ako sa lagay na iyan?"

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon