75TH ROSE || Strategy

19.2K 702 358
                                    

75TH ROSE || Strategy


- MICHELLE SUMASTRE -

Isang linggo matapos malaman nina Nathaniel ang tungkol sa pagkatao ko ay naging maayos naman ang lahat. Tikom naman ang bibig nila tungkol dito at maingat na rin sila sa mga ikinikilos nila kapag kasama ako. Normal rin naman ang trato nila sa akin, walang pagbabago. Kaya nga nakakatuwa dahil nagiging kumportable na ako sa kanila.

Nung sumunod na linggo ay umuwi na rin si Tric mula sa Korea at sinalubong agad s'ya ng batok at sakal nina Nolan. S'yempre parang na-culture shock si Tric dahil sa ginawa nina Nolan but it turns out, ginawa nila 'yun bilang ganti na s'ya ang unang nakaalam sa pagkatao ko maliban kay Quia kaya sa halip na magalit ay tinawanan na lamang iyon ni Tric. Buang dyud diay.

Naging maayos naman ang lahat sa pagitan naming lahat at naging abala na rin kami sa GAT/PAT review na gaganapin ilang buwan nalang mula ngayon. Medyo nagiging okay naman lahat sa pag-aaral ko.

Maliban na lamang sa nangyayari sa pamilya ko ngayon, kina Mama Rona.


"Hoy! Mang-aagaw ng customers! Impakta ka!" 'yon ang narinig ko sa labas ng restaurant nung magising ako ng umagang iyon. Pasado alas-siete nung marinig ko ang sigawan sa labas. Narinig ko rin ang boses ng mga katrabaho ko na pinipigilan si Mama Rona sa kanyang pagsigaw kaya kahit naka-tshirt at pulang jogging pants lang ako ay agad akong lumabas ng bahay para daluhan si Mama Rona. Sinisigawan n'ya 'yung katapat naming tindahan dati na naging restaurant bigla at naroon ang mas maraming customers kesa sa amin. Kabisado ko 'yung ibang customers dahil naging suki na iyon sa amin. Ano'ng nangyari?

Agad namang lumabas mula sa restaurant na iyon ang isang medyo mataray, singkit at matabang babae at hinarap ang aking tiyuhing binabae. "Hoy bakla! Umagang-umaga nag-e-eskandalo ka! Tumahimik ka nga riyan! Tinataboy at tinatakot mong mga customers ko eh!"

"Customers mo?! Kailan mo pa naging customers ang mga iyan?! Mga customers ko lang inagaw mong babaita kang mukha kang balyena!" sigaw ni Mama Rona.

"Hindi ko sila inagaw sa'yo! Kusa silang lumapit sa restaurant ko kasi sariwa at bago hindi tulad nung sa'yo! Old-fashioned!" sigaw nung babae.

"Hangkafal ng fez mong impakta ka!" agad naman naming pinigilan si Mama Rona nung akmang susugurin n'ya 'yung katapat na restaurant. "Pigilan n'yo ako! Pigilan n'yo ako lelechonin ko 'yang babaeng 'yan!"

"Kanina ka pa namin pinipigilan Mama Rona! Ikaw itong ayaw magpapigil!" sabi ni ate Joy habang pilit pinapahinto si Mama Rona.

"Tiya, husto na undagi na na palihog. Kalma sa daw beh palihog. Ayaw na na siya pansina ug sulod na didto sa restaurant. Mao ra gihapon, wala pud kay mahimo kung makig-away ka niya. Samot kang madehado," napatingin naman si Mama Rona at mabigat ang paghinga n'yang bumalik sa restaurant at sinundan namin s'ya. [*TRANS: Tiya, tama na pakiusap tumigil ka na. Kalma na pakiusap. 'Wag mo na s'yang pansinin at pumasok ka na sa restaurant. Kahit ano'ng gawin natin, wala kang magagawa kung makikipag-away ka sa kanya. Mas lalo kang madedehado.]


Matapos ng tagpong iyon ay buong umaga naging tahimik ang restaurant. Naging matamlay rin ang mga ka-trabaho ko maging si Mama Rona ay nawalan na rin ng gana sa pagluluto. Masyadong matumal ang restaurant dahil may kung ano'ng gimik ang ginawa ng kabilang restaurant para mapunta 'yung ibang customers namin kaya ayun, isa o tatlo lang ang pumapasok ng restaurant namin para kumain. Sobrang matumal talaga.

"Parang kahapon lang tindahan 'yang tapat natin tapos bigla nalang naging restaurant. Bigla tayong kinalaban at kinuha n'ya lahat ng customers natin. Ano bang nagawa ko sa kanya para bigla nalang n'yang nakawin ang mga customers natin?" bakas sa mga sinabi ni Mama Rona ang hinanakit sa nangyari.

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon