26TH ROSE || Crossing the line of the Elites

22.8K 673 17
                                    

26TH ROSE || Crossing the line of the Elites

- MICHELLE SUMASTRE -

"Haaaah~" isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Unti-unting dumaos-os ang mga braso ko sa mesa at binaon ang mukha ko sa mesa.

"Mich, una na ako sa'yo ah? May importante lang akong kakausapin together with my dad. It's about our new stockholds anyway," narinig kong sabi ni Quia.

"Hmm~" tanging sagot ko at hindi na ako nag-abalang umangat ng tingin.

"Hey, Mich. What's with that gloomy mood? What happened?" tanong ni Quia. Nung maramdaman ko ang pagtapik n'ya sa balikat ko ay tsaka ako nag-angat ng tingin. "Why the long face?" kinuha naman n'ya ang upuan n'ya't hinarap ito sa akin at umupo. "Tell me."

Bumuntong-hininga ulit ako bago magsalita. "Quia, bakit gano'n? Akala ko ba okay na?"

"Ha? Ang alin? Seriously, Mich I don't know what you're talking about," sabi ni Quia.

"Akala ko kasi, okay na. Akala ko magtutuloy-tuloy na 'yung magandang relasyon nila sa isa't isa. Pero bakit gano'n? Pagkatapos nung Outside School, bumalik sa normal ang lahat. Parang wala lang 'yung nangyari... walang pinagbago pagbalik natin dito," sagot ko. Gano'n talaga ang nangyari. Pagkatapos ng Outside School at nang makabalik na kami sa mga klase namin ay bumalik sa dati ang lahat. Bumalik sila lahat sa dati at hindi lang 'yon, pakiramdam ko mas nagkakaroon kami ng malawakang distansya sa isa't isa. Hindi na sila 'yung makukulit kong kaklase sa camp.

"Is that what's bothering you all day? About those boys?" tumango naman ako. "Mich, no offense but it's not your concern anymore. Tapos na 'yung misyon mong kumbinsihin silang lahat na sumama sa atin at tapos na rin ang Outside School. Mission accomplish mo na iyon at wala nang dahilan pa para isipin mo ang kapakanan nila. It's sound selfish but it's true. You keep bothering and thinking about them but they're not like that when it comes to you. Kung ano man ang meron sa kanila, hindi mo na concern 'yun. There's no such connection such as friendship in them. Lahat sila magkakaribal, they are both competitors in business, profession and politics. 'Yun ang tingin nila sa isa't isa. Kaya 'wag mo na silang alalahanin at mag-focus ka nalang sa pag-aaral mo. Don't cross the line between you and the Elites. If you draw closer to them, you'll get into trouble you never imagine. Never make such connection with the Elites like them. It's not healthy," bumuntong-hininga s'ya. "It's not a good idea to get close to them especially that you have something hidden up your sleeves. It's better be this way, Mich. I hope you understand what I'm trying to tell you."

Tumango naman ako at pilit ngumiti. "Tama ka, Quia. Sorry, nawala iyon sa isip ko. Ah, tama! May appointment ka pa 'di ba? Puntahan mo na iyon baka mapagalitan ka pa ng papa mo."

"Oh, right! I almost forgot," tumayo s'ya at inayos ang bag n'ay. "Okay ka lang bang mag-isa sa refectory? I can call Chantal para sabay nalang kayong kumain."

Umiling naman ako. "Okay lang ako, Quia. 'Wag kang mag-alala sa'kin. Tsaka isa pa, busy rin 'yung si Chantal kasama si Luke. Tungkol ata 'yun sa shares nila sa company nila."

"Okay. But if we finished early, babalikan kita, okay?" ngumiti naman ako sa kanya at tumango bilang sagot. "See ya."

"Ingat ka," sabi ko sa kanya sabay kaway. Sinundan ko naman ng tingin ang papalayong bulto ni Quia. Nang mawala s'ya sa paningin ko'y nagpakawala ako ng isang buntong-hininga.


Mabigat ang pakiramdam ko habang naglalakad papunta sa open field ng school. Nawalan ako ng ganang kumain ng tanghalian matapos ang pag-uusap naming iyon ni Quia. Ewan ko ba, tama naman si Quia sa lahat ng sinabi n'ya. Hindi ko na dapat concern kung ano ang meron sila at dapat lumayo na ako. Dapat manahimik na lamang ako at mag-aral na lamang ako nang mabuti at tahimik na maka-graduate dito. Tama naman ang sinabi ni Quia na hindi ako dapat mapalapit sa mga Elites dahil kapag nalaman nila na hindi talaga ako isang nouveau richè, maaaring mapahamak ako. Pero parang ayaw sundin ng puso ko ang sinasabi ng utak ko. Hindi ko alam kung responsibility lang ba ito dahil ako ang class president nila o dahil umasa ako na hihigit pa roon ang relasyon namin ng mga kaklase ko, tulad sa Outside School.

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon