23RD ROSE || Group the Opposites

23.7K 703 85
                                    

23RD ROSE || Group the Opposites

- MICHELLE SUMASTRE -

"Welcome to our Outside School's site, students!" bati sa amin ng mga staffs ng school sa pangunguna ng aming homeroom teacher na si Mr. Gallego.

Pagkatapos ng pagbati nila, si Mr. Gallego na ang nagbigay ng instructions sa amin. "And to start the preliminary activity of our Outside School and also acquainting and helping your classmates, you will be building your tents by group. I will group you all into three our four."

"Heavens, this is amazing," narinig kong sambit ni Chantal sa tabi ko kaya agad naman akong napatingin sa kanya.

"Bakit?"

Napatingin naman sa'kin si Chantal at ngumiti. "First time lang kasi nagkaganito ang Outside School namin kaya naninibago ako."

"In our past outside schools kasi, may cottages and resthouses na kasi for us and six to seven members kami sa isang house bale 'yun na ang grupo namin hanggang sa matapos ang Outside School. In short, housemates. It's just that, it's our first time to build tents with only three members. Nakaka-excite tuloy!" Quia giggled.

Buti pa sila, na-e-excite. Ako, sanay na sanay na sa ganito lalung-lalo na sa Girl Scout camping kaya hindi na nakakapanibago.

Nagsimula na ring magtawag ng mga magkakagrupo sa Grade 12 si Sir Gallego kaya nama'y tahimik ang lahat sa pakikinig. Sa Grade 12 Class 1 kasi, 45 kaming lahat. 25 boys and 20 girls. Ang dami lang ng boys. Mostly kasi sa mga pinakamayayaman or shall we say, anak ng mga CEO at matatalinong elites ay mga kaklase ko at puro lalaki.

"Angeles, Sia Kirsten. Co, Stacey. Peralejo, Gail Myrtle and Vargas, Fiona Adele, Group 4," napatingin naman agad kaming tatlo sa grupo nina Myrtle na ngayon ay masayang-masaya na magkakasama sila sa iisang grupo.

"For sure, sumipsip na naman ang mga 'yan sa faculty para magkasama sila gaya noong Outside School," bulong ni Chantal.

"'Di ba ang unfair naman ata nun? Sila magkakasama tapos 'yung ibang nandito na may mga kaibigan, hindi magkaka-grupo," sabi ko.

"Nothing is unfair as long as you have money. And, we don't have friends here. We just have connections. That's the law of the elite," napatingin naman kami sa kanan namin at agad akong namangha sa aking ganda ng babaeng ito. Fashionistang-fashionista s'ya at ang ganda ng pagkaka-makeup n'ya sa mukha n'ya. Kaso, mukhang mataray.

Napatingin naman s'ya sa amin. Bahagya s'yang ngumiti at agad napatitig sa akin.

"You're 12-1's class president, right? Michelle Sumastre is your name," bahagya naman s'yang ngumiti at nilahad ang kanyang kamay. Nahiya naman ako dahil mukhang malambot ang mga kamay n'ya kesa sa'kin at mas lalong nahiya ang mga kuko ko sa sobrang ganda ng nail art n'ya. "I'm Marielle Devrien Daylusan. Class 12-2's Class President."

** Marielle Devrien Daylusan, Stock Heirs Group **

"Ah, eh umm he-hello," ang tanging nasagot ko lang sabay shake hands.

"It's such a miracle that 12-1 elected a president. As far as I'm concern, they don't want someone to have the authority to tame them. I guess there's something that they've seen from you."

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi n'ya. Ano bang tinutumpok nito?

"Hemmings, Chantal. Ledesma, Aquamarine and Sumastre, Michelle. Group 5."

"Hay, thank heavens. Magkakagrupo tayo. Mas kumportable pa akong kasama kayong dalawa kaysa sa iba d'yan," sabi ni Chantal na ikinangiti naming dalawa ni Quia.

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon