Bata palang ako, nakalakihan ko na ang buhay ng pagiging isang prinsesa. Akala ng lahat, 'pag prinsesa ka ay masaya. 'Di nila alam na sobrang nakakalungkot. Parang nasa impyerno!
Lagi kang nakakulong, dapat perpekto at laging tama ang ginagawa mo. Buti nalang nandiyan ang aking kaibigan na si Cathalina. Lagi siyang nandiyan para pasayahin ako at lagi siyang nakikinig 'pag may problema ako.
"Tignan mo Cathalina, maganda ang nakuha kong bulaklak!"
"Mas maganda 'yong sa'kin."
"Oo na maganda ang nakuha mo na-"
Napahinto ako sa pagsasalita. Hala, ang gwapo ng lalaki! Ang tangos ng ilong mapupungay na mata at ang pula ng labi niya!
"Uyy si Sofia may crush na!"
"Wala kaya."
"Alam mo bang prinsipe siya at ang pangalan niya ay Prince Stephan."
"Bakit mo siya kilala?"
"Ano ka ba naman, napakasikat kaya niya! Hindi mo siya kilala dahil 5 years old palang siya nasa London na siya. Ngayon lang kasi siya umuwi."
"Aahhh."
****
Matutulog na sana ako pero hindi ko talaga makalimutan si Stephan. Bigla na lang may kumatok sa aking kwarto, si Cathlina. Dinalaw niya ako, ang saya saya talaga pag nandito siya. Pinag usapan namin si Stephan, sinabi nga niya sa akin na may gusto siya dito. Bukod sa pagkukwentuhan, kami ay kumain ng pancake, cake, sandwich at iba pa. Marami pa kaming ginawang magkasama. Ilang minuto din ang tinagal no'n at nang makaramdam ako ng antok, nagpaalam na ako sa kanya na kailangan ko ng magpahinga. Dahil do'n, umalis na siya habang ako naman ay humiga na sa kama. Tutulog na sana ako pero may nakita akong papel sa bintana. Tinignan ko ito at binasa.
~~
To: Sofia CollinsDear my love,
Una palang kitang nakita naakit na agad ako sa taglay mong kagandahan. Napakabait mo sa ibang tao kaya ako ay umibig sayo ng ganito. Sana ipapagpatuloy mo parin ang kabaitan mo.
Nagmamahal,
secret admirer
~~
Sobra akong kinilig sa sinabi ng secret àdmirer ko pero nagtataka ako kung sino siya at bakit kailangan niya pang idaan sa sulat. Hay nako ang mga lalaki talaga, makatulog na nga lang.
****
Kinabukasan ipinakita ko kay Cathalina ang sulat at mas kinilig pa siya kaysa sa akin. Nagtataka nga kami kung sino si secret admirer. Bigla na lang kasing may ibinigay sa akin si yaya at sinabi niya sa akin na nakita niya ito sa may gate. Ito ay isang flowers at chocolates. Sobra kaming kinilig ni Cathalina at pinag usapan namin ang secret admirer ko. Habang nasa garden kami at kumukuha ng flowers ay may nakabunggo akong lalaki- si Stephan.
Medyo kinabahan ako kasi napansin kong hindi ko na pala kasama si Cathalina. Pinili kong yumuko kasi nahihiya ako sa kanya. Pero dahil sa pagmamadali ko, biglang nahulog ang hawak kong mga bulaklak. Dinampot ko ang mga bulaklak habang siya naman ay tinulungan akong magpulot. Kukunin ko na sana ang isang flower na nahulog pero nabigla ako nang pulutin din niya 'yon.
BINABASA MO ANG
The Mermaid's Journey (Ongoing)
AdventureWhat will happen to her journey as a mermaid? Credits to @chiminpark13 for the awesome cover! Lovelots ❤