Napili ko ang libro na tungkol sa archery, para maging mas magaling kay dylan, nang mabawasan man lang yang kayabangan nya. Binasa ko ang mga techniques at iba pa, halos yun na lang ang ginawa ko kase desperado na talaga ako.
"Anak masyado ka namang nagtutuon ng pansin sa archery," sabi ni papa .
"Gusto ko po kaseng gumaling, para kung sakali man madedepensahan ko ang sarili ko,"sagot ko kay dad.
"Gusto mo turuan kita? para bukas magaling ka na, katulad ko,"sabi ni dad.
"Wag na dad alam kong pagod ka, magpahinga ka na lang muna,"sabi ko.
"Di ka lang ata naniniwala sa galing ko anak ih,"pagtatampo nya.
"Ano ka ba dad, syempre tatay kita kaya mgaling ka at dabest ka,"sagot ko.
"Nambola ka pa."
"Grabi ka dad, kala mo saken sinungaling,"sabi ko.
"Hindi ahh, sige magpapahinga na ko,"sabi nya.
"Sige po dad."
Si dad talaga haaayysss, sabay yuko at iniisip ang mga nangyari kanina, gwapo gwapo nya at ang bango bango nya pa sheeet, ano ba ethel umayos ka panget yung lalaking yon ah, di ka dapat mainlove sa Dylan na yon, umalis na ko sa library at lumabas para magpahangin.
"Hmmmm ang sarap sa pakiramdam ng hangin dito."
Nang biglang dumating ang kakambal kong si Jasmine.
"Kamusta na twinny?
"Ahhmmm eto nagpapahangin,"mahinahon kong sagot.
"Sabi ko kamusta, di kung anong ginagawa mo dito, bobo ka ba pfftt,"mataray nyang sabi.
"Ano bang pakialam mo, di naman kita pinapakailaman ah, kaya kung gusto mo ng matinong sagot wag mo ako kausapin, tsaka kung bobo ako, ikaw tanga,"galet kong sabi sabay alis.
Nawala tuloy yung pagiging good mood ko, kahet kelan talaga panira ng buhay ko yon, pasalamat sya kapatid ko sya kaya may konsiderasyon sakanyaa, haaays sya ba talga ang panganay sameen. Pumunta na lang ako sa garden namen.
"HMMMMM ang bango,"sabi ko.
"Mas mabango ako syempre,"isang boses na bigla na kang nagsalita.
Lumingon naman ako para tignan kung sino yon.
"Keeevin! sigaw ko namiss ko kase agad sya ih.
"Easy lang namiss mo naman agad ako,"pagbibiro nya.
"Asuuus miss mo lang den naman ako, kaya dinalaw mo ako dito,"sabi ko.
"Hindii ahh,"pagtanggi nya.
"Ohh eh bakeet ka bumisita ditoo?tanong ko.
"Bakeet masama ba??
"Aminin mo na kase miss mo lang den naman talaga ako,"pagpupumilit ko sakanya.
"Nakoo tara na,"pag aaya nya na maglakad pa.
"Kamusta naman pala pagprapraktis mo mag archery? balita ko kase tituruan ka ni Dylan ih,"tanong nya.
"Yon unti unting natuto, pero lagi pareng sablay pag tinitira,"sagot ko.
"Sabihin mo lang pag may ginawang masama yan si Dylan ah, humanda saken yan,"sabi nya.
"Awwww nag aalala sakeeen, inaasar nga lang ako ng epal na yon, mayabang porke magaling sya sa larangan na archery,"sabi ko kay Kevin.
"Asuuus magiging kasing galing ka den nya, di lang magiging kapantay lalamangan pa, ikaw pa,"pagpuri nyang sabi.
"Thank you sa pagtiwala sa kakayanan ko, natutuwa ako kase may lalaki pa pala bukod kay dad na magritiwala sa kakayanan ko,'sabi ko.
"Syempre jokee lang yon HAHAHAHHHA,"pagbibiro nya.
Hinampas ko sya ng malakas, nakaka inis kase sya ih.
"Buseet ka talagaa Kevin."
"At sya nga pala malapit na ang birthday nyo ah,"sabi nya.
"Oo nga 1 week na lang birthday na namen, muntik ko ng makalimutan, di din kase ako sanay na ganong araw yung birthday ko,"sabi ko.
"Baket dati ba kailan birthday mo?
"May 10, diba ang layo tas andami pang paghahandaan sa celebration na yon, di ako sanay na may magarbobg celebration sa birthday ko,"sabi ko sakanya.
"Masanay ka na ngayon, prinsesa ka kaya natural lang na magarbo at dapat paghandaan,"paalala nya saken.
"Pwede ko ba imbitahan sina Belle, Hazel, at aling Rusilda?
"Ahmmm ipaalam mo kay na tito az tita, panigurado naman na oaoayag yon ih, sya nga pala mag iingat ka den sa araw na yon, kase madalas doon nangingidnapped ang mga kidnapper,"bilin nya saken.
"Pano mo namang nalaman na totoo yan? tanong ko
"Usong uso yan kada may isang maharlika na magbibirthday may nakikidnapped, lalo na kayo pang apat pa naman kayo sa pinakamayaman na kaharian,"kwento nya saken.
"Kaya ba ko pinag aaral ng archery para madepensahan ko ang sarili ko, kung sakali mang makidnapped ako?
"Sa palagay ko ay ganon nga,"sagot nya.
"Natatakot tuloy ako sa sinabi mo, kinuwento mo oa kase ih."
"Di naman kita tinatakot pinapa alalahanan lang kita."
"Siguraduhin mo na darating ka sa birthday namin ah,"sabi ko kay Kevin.
"Syempre darating ako, ako pa ba mawawala?, malabo ata yon."
"Tara balik na tayo nauuhaw na kase ako ih, kakasalita HAHAHAHHA,"pag aya ko na pumunta sa kitchen namen.
"Tara ako den ih nauuhaw na, at gutom na den, hehe."
Naglakad na nga kami pabalik para kumuha ng aming maiinon at makakain, meryenda na den namin, hapon na den kase ih. Maya maya pa ay nakabalik na kami.
"Manang pede po pakihanda ng aming meryenda ni Kevin,"sabi ko kay manang Rhian.
"Pedeng pede po syempre maam Ethel."
Kumuha na nga si manang at kami naman ay umupo na.
"Eto na po maam oh, orange juice, tubig po kung ayaw nyo magjuice, at mga pagkain."
"Salamat manang,"pasasalamat ko kay manang Rhian.
"Tara kain na tayo Ethel? aya ni Kevin.
"Sus gutom na gutom na ih kaya nag aaya na agad kumain,"sabi ko sakanya.
"Tara na bala ka mauuna na ko."
"Tara na nga lintek ka."
Sabay nga kaming kumain ni Kevin, nagkwekwentuhan den kami habang nakain, ambaet nya talaga at ang gaan gaan ng pakiramdam ko kapag kausap ko sya.
30 minutes later
"Sigee paalam na Ethel, uuwi na ko snong oras na den kase, sana paminsan ikaw naman ang bumisita samen,"pagpapaalam nya saken.
"Sigee babye, tatry ko na bumisita sainyo, sana payagan den ako, ingaat pauwi,"pagpapaalam ko sakanya.
Pagka alis nya pumunta na ko sa kwarto ko at humiga.
"HAYSSSSS, ang bait nya talaga kumpara kay Dylan."
BINABASA MO ANG
The Mermaid's Journey (Ongoing)
AventuraWhat will happen to her journey as a mermaid? Credits to @chiminpark13 for the awesome cover! Lovelots ❤