Chapter Seven

94 39 1
                                    

****

Agad naman silang nagsipilyo para tikman ang niluto ko. Nagsimula na kaming kumain.

"Ang sarap naman nito Samantha," sabi ni Hazel.

"Thank you."

Naghugas na ng pinggan si Belle kami naman ay namili, sabi kase sa amin ni aling Rusilda, si Belle daw ang maghuhugas ng pinggan kami naman ay mamimili. Nagtampo nga siya sa amin eh.

"Sana naman hindi siya galit sa atin," sabi ko kay Hazel.

"Baka mataas ang pride no'n Samantha."

"Ewan ko lang, siya mamili na tayo."

Grabe mas masikip pa ngayon kaysa dati sabi ni Hazel, kaya maraming tao kase Linggo ngayon. Nang tspos na kaming mamili dun sa palengke agad na kaming umuwi nakakapagod kase eh.

Nilagay namin ito sa kusina atsaka umupo sa upuan ng sala.

"Hay nakakapagod," sabi ko.

"Oo nga ang dami kaseng tao do'n."

"Sorry na Belle kung hindi ka namin naisama."

"Okay lang yon madami palang tao panget do'n yak," maarte niyang sagot sa amin.

Napatawa na lang kami sa sinabi niya.

"Akala ko galit ka sa amin," sabi ni Hazel.

"Akala mo lang yon."

Nanood na lang kami ng Spongebob Squarepants sa T.V plus. Pagkatapos no'n nanood naman kami ng Wansapanatym.

"Tama na ang nood maligo na kayo."

Saktong tapos naman na ang Wansapanatym kaya naligo muna akong mag-isa, ayaw pa kase nila eh.

"Hoo ang lamig ng tubig ang sarap sa pakiramdam."

Nagtagal ako sa C.R. ang lamig kase ng tubig.

"Bilisan mo naman maligo Samantha init na init ako dito," pagmamakaawa na sabi ni Belle at Hazel.

"Eh enjoy ko pa ang lamig ng tubig."

"Bilisan mo na Samantha init na init na kase kami."

"Ito na nga bibilisan na."

Lumabas na ako sa banyo atsaka nagbihis, nagpaganda at pumuntang tabing dagat. Gusto ko lang kase magpahangin. Naglakadlakad ako nang may nakabangga sa aking lalaki. Agad naman akong yumuko kase siya ang prinsepe.

"Sorry miss."

"Okay lang ako prinsepe."

"Ano ba ang pangalan mo?"

"Ako si Samantha, eh kayo po sino kayo?"

"Ako si prince Kevin."

"Sige po alis na ako," paggalang kong sabi.

Nang makakita ako ng sereno agad akong lumapit, nasa pang pang kase kaya ko nakita.

"Perth," mahina kong sabi.

"Ikaw pala yan Samantha mahal."

"Ha anong sabi mo Samantha ano?"

"Ah ang sabi ko Samantha ganda."

"Ang hilig mo talagang mangbola."

"Hindi totoo ang sinasabi ko."

"Oo nga pala kamusta nasa lugar natin?"

"Ayun hinahanap parin yung mahiwagang perlas."

"Hanggang ngayon hindi ko pa nakikita kung sino ang nanghuli kay mama Freesia."

The Mermaid's Journey (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon