***
Jasmine POV"Jasmine! Nasa'n ka?"
Nang makita niya ako, sinampal niya ako bigla.
"Bakit mo sinampal si yaya Rosing?"
"Bagay lang 'yon sa kanya."
"Bakit ka ganyan? 'Di kita pinalaking bastos, sana ikaw na lang ang naging serena, kung nandito lang sana ang kakambal mo hindi niya ako babastusin."
"'Yan lagi na lang ang kakambal ko ang iniisip niyo. Hindi niyo na ako pinapansin, kahit kailan hindi ko naramdaman ang pagmamahal niyo sa akin."
Sabay alis, pumunta nalang ako sa garden, habang naiyak ako bigla nalang may tumabi sa akin.
"Hello ako nga pala si Kevin, ikaw anong pangalan mo?"
"Ako si Jasmine."
Sabi ko sa kanya habang naiyak ako.
"Bakit ka naiyak?
Hindi ako umimik sa kanya no'n.
"Mapagkakatiwalaan naman ako kaya sabihin mo na."
"Kasi lagi na lang ang kakambal ko ang iniisip nila, hindi na nila ako napapansin."
"Gano'n ba?"
"Maswerte ka pa nga buhay pa ang magulang mo, e 'yong nanay ko patay na."
"Tama na ang drama."
"Pwede na ba kitang maging kaibigan?
"Oo naman."
Simula no'n naging matalik ko siyang kaibigan.
Tinuruan niya akong bumaril at makipag-espadahan, para daw 'pag may kalaban maprotektahan ko ang sarili ko.
"Tara punta tayong tabing dagat."
"Sige."
Pumunta na nga kami sa tabing dagat, sa pangalawang pagkakataon nakita kong muli ang serena.
"Jasmine, okey ka lang?"
"Oo, may nakita lang akong magandang ibon."
"Ahh, anong pwedeng pag-usapan?"
"Tungkol sa pagkabata natin."
"Alam mo ba no'ng bata ako nakaapak ako ng tae, dahil tinatamad akong pumunta sa palasyo pinahid ko ito sa paa ng kalaro ko. Tinanong niya kung ano 'yon, ang sabi ko peanutbutter. Inamoy niya pa 'yon sabi niya bakit amoy tae, sabi ko expired na kasi."
Nagtawanan kami sa kinuwento niya.
"Ikaw anong pagkabata mo?
"Wala, kasi no'ng bata ako hindi ako pinapalabas."
"Gano'n ba, napakalungkot pala ng buhay mo 'no."
"Tama ayoko na balikan ang nakaraan."
"Ganto nalang para makabawe ako sa'yo, tinuruan mo akong bumaril at makipag-espadahan, tuturuan naman kita lumangoy."
"Sige!"
Mabilis natuto si Kevin lumangoy. Kaya sumisid na kami sa ilalim ng dagat. Sa pangatlong pagkakataon nakita ko uli ang serena.
"Bakit kaya lagi kaming pinagkikita ng tadhana?"
Bulong ko sa sarili, umahon na kami at umupo muna sa tabing dagat.
****
"Tara pabilisan tayong lumangoy."
"Sige! Baka matalo pa kita."
BINABASA MO ANG
The Mermaid's Journey (Ongoing)
AdventureWhat will happen to her journey as a mermaid? Credits to @chiminpark13 for the awesome cover! Lovelots ❤