Hope
"What do you want flavor of milk tea?"
"Hmmm.." Tumingin ako sa itaas ng counter para tignan ang iba't-ibang flavor ng milk tea. "I want Chocolate Rooibos Chia Seed Bubble."
"Seung-in! Pero wala ka na bang gustong idagdag pa?" (ok)
Tumingin ulit ako sa itaas at tinignan ang pwedeng kainin habang umiinom ng milk tea. Ano pa nga bang gusto ko?
"I want Matcha Mochi Toast, too."
"Ye! Umupo ka na sa pwesto natin." (yes)
Sinunod ko ang gusto nya, kaya pinuntahan ko ang pwesto namin nila Tiana at Rees. Umupo kaagad ako sa nakalaang pwesto ko habang ang katabi ko namang upuan ay bakante para kay Hunter.
"Is Hunter, still courting you?"
"Ye." (yes)
Nagtinginan ang dalawa bago sila lumapad ng ngiti sa isa't isa. Okay, ang weird.
"Sagutin mo na kasi!"
"Oo nga. Pakipot ka din, e."
Inirapan ko silang dalawa, bago na lang binaling ang tingin ko sa aking phone. Well, sinadya nila kaming pagtabihin ni Hunter. Habang silang dalawa naman ay nasa unahan lang namin. How pathetic!
Nag-browse lang ako ng nag-browse sa aking account. Bakit ba sobrang boring ng field trip namin ngayon? Nga pala, nandito kami sa may Haesindang Park. Ito ay talagang originally sa Korea. Ang may-ari nito ay isa naming schoolmate. Sila mismo ay nagpagawa ng katulad ng Park sa Korea dito sa Pilipinas.
Maya-maya lang ay may naramdaman akong tumabi sa akin, kaya itinigil ko na ang pagkakalikot ko sa aking phone. Tinulungan ko si Hunter na ibigay ang mga order nila Tiana sa kanila.
"Hmmm.. Ang sarap talaga ng milk tea nila!" Saad ni Rees, na parang naggagawa ng commercial sa kanyang itsura.
Ininom ko na ang milk tea ko at talagang sobrang sarap nito. Kaya ito ang favorite flavor ko dito, e.
Tinignan ko si Tiana na busy sa pagkakalikot sa kanyang phone. "Tiana, where's Bradley? Akala ko ba sasama sya sa atin?"
Ibinaba nya ang phone nya bago ako sinagot. "I don't know, too. Baka kasama 'yung mga kaibigan nya."
"Ano ba 'yan! Walang kwenta naman 'yang Bradley mo. Ayaw gumaya kay Hunter na laging nakabuntot kay Hopie.."
"Argh! Please stop calling me Hopie. It's so annoying kaya."
Itinaas nya ang dalawa nyang kamay na ang ibig sabihin ay suko na sya. Ayoko talagang tinatawag ako sa pangalang Hopie. Parang ang halay kaya! Para kasing hopya.
"Kainin mo na 'tong mochi mo." Bulong ng katabi kong si Hunter bago itinapat sa akin ang plato ng Matcha Mochi Toast na pina-order ko sa kanya.
Napalingon kaming dalawa sa unahan namin ng makita naming nagpipigil na tumili sila Tiana. How annoying! Parang ngayon lang nakakita ng babae't lalaki. Tss..
"Okay!" Saad ko bago kumuwa ng isang pirasong mochi. Ang sarap talaga ng mochi! Nakakaadik. Kumuwa ulit ako ng isa at ibinigay naman ito sa katabi ko.
"Hindi ako nakain nyan."
"Just try it, Hunter. Masarap naman, a."
Nginitian nya ako bago kinuwa mula sa kamay ko ang mochi. Halos humagalpak din ako ng tawa ng makita ko ang priceless nyang itsura habang nginunguya ang mochi.
Agad-agad syang uminom sa kanyang milk tea, upang mawala ang lasa nito sa kanyang bibig. "I don't really like it."
Maluha-luha din ang kanyang mga mata. Malapit na syang masuka! Hahaha..
YOU ARE READING
Different Us
Teen FictionWhat if he loves someone he thought was you? Are you able to witness all of his love to someone he thought was you? Can you accept everything that happens? Dahil in the first place, ikaw ang may dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng iyong nak...