Third Person's
Ilang araw ng hindi mapakali at makatulog ang umampon kay Hope, na isang matanda. Nawawala kasi ang anak-anakan nya simula pa ng kanilang field trip sa eskwelahan. Halos hindi na rin ito natigil sa bahay ng dahil sa pagbabakasakaling mahahanap nya ang kanyang anak-anakan.
Nai-report na rin ito sa mga pulis. Alam na din ng mga namamahala sa eskwelaha na nawawala ang kanyang anak-anakan simula ng kanilang field trip. Pati ang mga kaibigan at kaklase nito ay naghahanap din, pero wala talagang lumalabas na mga bakas ng anak-anakan nya.
Araw-araw ding pumupunta sa police station ang ginang upang malaman kung may balita na ba ang mga pulis at imbestigador sa kanyang nawawalang anak-anakan. Katulad na lamang ngayon, andito sya ulit at kinakausap ang imbestigador na humahawak sa kaso ng kanyang anak.
"Wala pa ho ba kayong nakikita? Hindi nyo pa rin ba nakikita ang anak ko?"
Iyan ang halos araw-araw na tanong ng ginang sa imbestigador, ngunit iisa lang din ang sagot nito..
"Wala pa rin ho."
Sa bawat araw na lumilipas, ang ginang na ito ay hindi tumitigil sa paghahanap. Tanging ang anak nya na lamang kasi ang kasama nya sa buhay.
"Baka po nakita nyo ang anak ko?"
"Tawagan nyo lang po ako kapag nakita nyo sya."
"Nakita nyo ho ba sya?"
Halos libo-libo na ring mga kopya na may nakalagay na missing person ang kanyang naibibigay sa mga tao. Araw-araw nya itong ginagawa, at talagang hindi ito napapagod sa paghahanap.
"Tita, tulungan ka na po namin.."
Minsan din ay dumadating ang mga kaibigan ng anak nya at tinutulungan ito sa pagbibigay ng mga papel na may nakapaskil na missing person at litrato ng bata.
Hanap, kain at tulog na lang ang parating nyang ginagawa sa araw-araw. Nauubos ang buong araw nya sa paghahanap sa kanyang nawawalang anak.
Hanggang sa dumating ang hindi nyang inaasahan na tawag.
"Hello?"
"Ito po ba ang nanay ng nawawala na bata?"
"O-opo.. Ako nga ho!"
"Natagpuan na po kasi namin ang anak nyo. Nasa ospital po sya ngayon at nagpapagaling."
Hindi nya na napigilang hindi umiyak ng dahil sa balitang kanyang nasagap.
"P-pupunta po ako.."
Dali-dali syang pumunta sa ospital na nabanggit ng babaeng tumawag kanina. Tinungo nya kaagad ang information desk ng ospital at itinanong ang room ng babaeng nawawala.
Sinabi naman ito kaagad ng nurse, kaya halos takbuhin nya na din ang daan patungo sa kwarto na pinagpapahingahan ng kanyang anak.
Halos manlambot din ang kanyang mga tuhod ng makita nya ang isang babaeng nakahiga sa kama. May benda ito sa ulo, at ito'y natutulog.
Lumapit sya dito at hinaplos ang mukha ng babae. Hindi sya nagkakamali, ito nga ang nawawala nyang anak. Hinalikan ng ginang ang noo ng anak, at tamang-tama naman ang timing dahil nagising ang babaeng nakahilata sa kama ng ospital.
"Nae ttal.." Saad ng ginang habang may tumutulo pang luha mula sa magkabilang mga mata nito. (my daughter)
Nakatingin lang ang bata sa kanya, na tila mo'y hindi nya ito kilala. "Ako ito si Eomma.."
"Eomma.." Mahinang saad ng bata, kaya mas lalong napahagulgol ng iyak ang ginang.
"Oo, tama ka. Ako ito si Eomma mo."
Napangiti ang bata sa kanya bago paulit-ulit na sinabi ang Eomma sa ginang. Ang batang babaeng anak nya ay nagkaroon ng amnesia ng dahil sa aksidenteng nangyari dito.
"Eomma..."
Hope
"Nae ttal, umupo ka muna sa upuan. Magbabayad lang ako ng bill." (my daughter)
Sinunod ko ang gusto ni Eomma. Umupo muna ako sa isang gilid na punong-puno ng mga upuan. Sabi ni Eomma, meron daw akong amnesia. Kaya mag-iingat daw ako, tsaka huwag ko muna daw pilitin alalahanin ang lahat. Kusa naman daw itong dadating.
I feel sorry for Eomma. Alam kong nahihirapan sya kasi kahit isa ay wala akong matandaan sa kung sino ako. Kung hindi nya pa nga babanggitin na sya ang nanay ko, hindi ko ito malalaman.
Pero, meron lang akong pinagtataka. Kahit may amnesia ako o hindi ko matandaan kung sino ako. Ako ay marunong na marunong pa rin sa pagsasalita ng Korean language. Para bang sanay na sanay ako dito dati pa. At para bang sa language na ito ay komportable akong sabihin.
"Wa, nae ttal." (come on, my daughter)
Tumango ako sa kanya, bago tumayo mula sa aking pagkakaupo. Gustong gusto ko na talagang malaman kung sino ako. Parang napaka-dami kong iniwanan ng dahil sa nangyari sa akin. Ni hindi ko nga din alam kung paano ako nawala at kung anong nangyari sa akin. Siguro hihintayin ko na lang itong dumating. Maaalala ko din naman lahat.
Sumakay kami sa isang sasakyan. Nasa front seat ako at nasa driver seat naman si Eomma. Ngayon ko lang din ulit nalaman na marunong pala syang mag-drive. Hays.. Bakit ba kasi ako nagka-amnesia? Sigurado akong sobrang hirap nito para kay Eomma.
May kinuwa syang CD, bago ito isinalpak sa stereo ng kanyang sasakyan. Tumunog ang kanta kasabay ng pagpapaandar nya sa kanyang sasakyan.
"Paborito mo ang kantang 'yan."
Napatingin ako sa kanya ng iyon ay kanyang sabihin. Hindi ko alam ang kantang 'to. Nagsisisi ako sa kung ano man ang ginawa ko, para magkaganto ako ngayon.
"Ang title ng kantang 'yan ay Huling Sayaw ng Kamikazee." Nakatingin lang ako sa kanya habang sya ay nagsasalita. "Lagi mo iyang kinakanta sa bahay, pero never mo pa 'yang nakanta sa iyong eskwelahan. Hindi nga rin ata alam ng mga kaibigan mo na marunong kang kumanta, e."
Napatawa ako sa sinabi ni Eomma. Ano kayang ugali ko dati? Mabait kaya ako o bully?
"Eomma, gusto ko na pong pumasok. Gusto ko pang makita ang mga kaibigan ko."
"Hwagsilhan! Bukas na bukas papasok ka na, pero ayos lang ba ikaw? Wala bang nasakit sayo?" Umiling ako sa tanong ni Eomma. Wala namang nasakit sa akin. Kahit ang ulo ko, walang nasakit dito. (sure)
Makalipas ang ilang minuto, bumaba na kami sa sasakyan ni Eomma. Iniikot ko ang paningin ko sa buong paligid at pilit na inalala ang mga ginawa ko dito dati.
"Huwag mo munang pilitang alalahanin. Tara, sasamahan kita sa kwarto mo at para makapagpahinga ka na rin."
Iginiya nya ako sa loob ng isang kulay puti at itim na kulay ng kwarto. Maganda ang itsura nito, at mukhang malinis na parang araw-araw itong nililinis.
"Lagi kong nililinis ang kwarto mo ng mawala ka. Inaayos ko din ang mga gamit mo at ipinapagpag ang iyong kama, para pagbumalik ka na katulad ngayon, maayos at malinis ang kwarto mo!"
Napangiti ako kay Eomma, bago sya niyakap ng mahigpit. "Eomma, jeongmal gomawoyo." (thank you so much, mom)
"Nega dol-a wass-euni gomawo." (thank you also because you're back)
Humiwalay kami sa pagkakayakap ni Eomma bago nya ako itinulak papunta sa aking kama. "Hala sige, magpahinga ka na at papasok ka pa bukas sa school mo.."
Humiga na ako sa kama ko, kaya iniayos nya naman ang kumot ko hanggang sa aking balikat. "Joh-eun bam, nae ttal." (good night, my daughter)
"Neoege joh-eun bam eomma." (good night to you mom)
Nginitian nya ako, kaya nginitian ko din ito pabalik. Ipinikit ko na ang aking mga mata at naramdaman kong niyakap ako ni Eomma.
She really miss me and I really miss her too so much..
YOU ARE READING
Different Us
أدب المراهقينWhat if he loves someone he thought was you? Are you able to witness all of his love to someone he thought was you? Can you accept everything that happens? Dahil in the first place, ikaw ang may dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng iyong nak...