Hope
"Sabi na nga ba, e! May crush ka sa akin."
Napabitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya ng sabihin nya 'yon. Tsaka pinagtitinginan na din kami ng mga tao dito, no! Baka isipin nila nababaliw na din ako, katulad ng lalaking 'to!
"Sorry.."
'Yan na lang ang nasabi ko sa kanya. Hindi ko talaga deserve 'yung kabaitan nya. 'Yung pagiging friendly nya sa akin! I'm so stupid! Bakit ko kaya ginawa 'yon dati sa kanya? Siguro malakas lang talaga trip ko. Aish!
"Bakit ka nag-ssorry?"
"Basta!"
Tumayo ako mula sa pagkaka-squat ko, bago inilahad ang kamay ko sa kanya. Naka-indian seat pa rin kasi sya. Tsaka hindi lang naman pagtulong sa pagtayo nya ang ibig sabihin ng paglalahad ko ng kamay.
"Friends?" Tanong ko dito. Nginitian nya ako, bago kinuwa ang kamay ko at tumayo. "Friends!"
Napangiti na lang ako sa inasal nya. Sobrang swerte ng babaeng nakatadhana sa kanya. Sobrang bait nya. 'Yung tipong hindi nagagalit, 'yung hindi nananakit ng babae. Baka sya pa nga ang saktan ng babae, katulad ng ginawa ko sa kanya dito. Gosh! I'm so stupid. Hindi ako aangal don!
Inakbayan nya ako bago namin tinahak ang mango tree na kinaroroonan ni Rees. Ng makalapit kami sa kanya, umupo kaming dalawa ni Craze na nagpasimangot naman sa mukha ni Rees.
"Lagi na lang akong third wheel!" Saad nya, bago tumakbo papaalis at nang-akbay ng ibang lalaki. Classmate din ata namin 'yong inakbayan nya, close nya din ata.
Binalingan ko naman si Craze, bago sya pinaghahahampas. "Aray naman! Akala ko ba nag-ssorry ka na!?" Ouch.."
"Nakakainis ka!" Hindi pa rin ako natigil sa paghahahampas sa kanya, kaya sya na mismo ang humuli sa dalawang kamay ko.
"Bakit hindi mo sinabi 'yung totoo!" Nanlilisik ang dalawang mata ko sa kanya. Nakakainis kasi sya! Hindi nya sinabi 'yung totoo. May kabit-kabit pang nalalaman at ako namang si maganda! Naniwala agad. Tanga ko din, e.
"Mianhae!" Napatigil ako sa panghahampas ko sa kanya ng iyon ay marinig ko. Inirapan ko sya bago umayos ng upo at nag-crossed arms na din para magmukhang mataray. Pak!
"Nagsasalita ka pala ng korean language?" Pang-iiba ko ng topic dito. "Akala ko nakakaintindi ka lang?"
Huminga muna sya ng malalim bago ako sinagot. Daming arte, a! Sasagot na lang may paghinga-hinga pang nalalaman. "My sister lives in Korea. She was already married to a Korean man, then I sometimes vacation with them in Korea so I also learned to speak Korean language because of them."
Napatango naman ako sa sinabi nya. "But you don't have Korean descent?" Aba malay mo! Ang pogi kaya ng mga ibang koreano! Minsan nga naiisip ko na mag-aasawa na lang din ako ng koreno. Hihi
"Ani. I'm half Filipino and half American."
Tumango ako sa kanya. Napalingon naman kaming dalawa ng may biglang nagsalita sa may gilid ko. "Hope, uli yaegi hal su-iss-eo?" (can we talk)
Matapos kong lingunin ang lalaking nagsalita, liningon ko naman si Craze na nagpapaalam. Tumango ito sa akin kaya tumayo ako bago nagpaalam sa kanya. "Najung-e boja cheiseu!" (see you later chase)
Ngumiti sya sa akin bago ako kinawayan kaya kinawayan ko din ito pabalik. "Come on." Napalingon ulit ako sa lalaking gustong makipag-usap sa akin. As far as I remember, boyfriend ko daw 'to sabi ni Craze.
Tumango ako sa kanya bago umayos ng lakad at sinundan sya sa kung saan kaming mag-uusap na dalawa. I feel sorry for him. Sobrang hirap para sayo na hindi ka natatandaan ng taong mahal mo. 'Yung parang isang iglap lang, wala na lahat ng memories. 'Yung pinagsamahan, 'yung pagmamahalan. Parang hinipan lang ng biglaan wala na kaagad.
Tumigil ako sa paglalakad ng tumigil din sya. Nandito kami ngayon sa may garden. Sa tingin ko gusto nyang pag-usapan 'yung relasyon namin. Nakakaawa naman sya! Ayoko ng ganto.
"Hope.."
Halos higitin din ang hininga ko ng sabihin nya ang pangalan ko. Wala akong nararamdaman na kilig kapag binabanggit nya ang pangalan ko. Base kasi sa mga nabasa ko, kahit anong mangyari sayo may connection pa rin daw, dahil sa mahal mo nga sya, pero... Bakit wala akong nararamdaman? Parang mas apektado pa ako kay Craze. Ang labo!
"Sorry."
"Mianhae."Sabay naming saad kaya nagkatinginan kaming dalawa at napunta naman iyon sa tawanan. Umupo sya sa isang bench kaya sinundan ko naman sya at pinaupo nya ako sa tabi nya. Ang awkward ng feeling. Parang hindi ako sanay na ganito.
"I missed you.." Napalingon ako sa kanya ng iyon ay kanyang banggitin. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hindi ko alam kung mag-sisinungaling ba akong may konting feelings pa din ako towards him kahit may amnesia ako o hindi, kasi alam kong wala at masasaktan ko lang din sya.
"I know, you can't still remember me. But I want you to know na hindi ako susuko. Hindi ako titigil hanggang sa bumalik na ang lahat ng alaala mo. I know you're having difficulty occurs. I want to help you to remember your memories. But I know, this is difficult, pero hindi talaga ako susuko. Ipaparamdam ko sayo na tayo pa din. Na wala pa ding magbabago kahit ano pang mangyari. I am always your boyfriend."
Nginitian ko sya bago niyakap ng mahigpit. "Hunter, I promise I will do everything to remember our memories we have and we shared. Sana hindi ka nga mapagod sa akin. At lagi kong ipagdadasal na sana bumalik na ang alaala ko para bumalik na din tayo sa dati."
"Thank you so much, Hope.. I promise, I won't never ever give up on you, but please be honest with me okay? Sabihin mo sa akin kung pagod ka na sa akin."
Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. Naiinis ako dahil maraming tao ang nahihirapan sa pag-aadjust ng dahil sa akin. Sana talaga bumalik na ang lahat. Alam kong madali lang din namang mahalin 'tong si Hunter, e.
Humiwalay kami mula sa aming pagkakayap. "Hope.." Liningon ko sya. "Are you still love me? I mean, do you have a different feelings for me? 'Yung kumbaga kahit kakakita mo lang sa akin may iba ka ng nararamdaman."
Hinintay nya ang sagot ko, pero kahit ilang araw at buwan pa ata ang lumipas hindi ko kayang sagutin ang tanong nya, kasi natatakot ako na baka kapag bumalik na 'yung mga memories ko wala na sya. Kung kailan mahal ko na ulit sya, may iba na sya.
"Please tell the truth, Hope... Hindi ako magagalit or iiyak kung ano man ang isasagot mo."
Huminga muna ako ng malalim bago sya tinignan ng mata sa mata. Kahit pagtingin ko sa kanya wala talaga, e. "I'm sorry, Hunter. I felt no different to you. You're just ordinary people for me, but I'll give my very best to remember you. Ayokong nasasaktan ka. Ayokong may nasasaktan, because of me."
Natatakot ako na baka kapag dunating na 'yung araw para bumalik ang mga memories ko, wala na sila kasi sawa na sila sa akin. Ayokong mangyari 'yon. Gusto ko sabay-sabay kaming lalaban, sabay-sabay naming pupuntahan ang araw na 'yon.
Nakita kong may pumatak na luha sa mga mata nya kaya mabilis nya itong pinunasan. He really loves me. Kasi diba kapag mahal ka talaga ng lalaki, iiyak sya because of you. And kahit hindi sya umiyak kita pa din sa mga mata nya 'yung pain, pagmamahal sa akin at 'yung sabik nya sa akin. But, he can't even do what he wans to do with me kasi parang sa nangyayari ngayon, parang wala syang karapatan sa akin.
"Please don't cry, Hunter. Ayoko ng ganyan.." Ako mismo ang pumunas sa mga luha nyang halos nagiging isang talon dahil sa lakas agos nito.
"Hindi lang talaga ako makapaniwala na nangyayari sa'tin 'to. Ang saya-saya pa natin, bago mangyari 'to, e. Pero sabagay, kapag talaga may nangyaring maganda sayo may kapalit na pangit din 'to. At sa tingin ko ito 'yon, pero ang sakit lang talaga ng kapalit. Kung anong saya ko, ganon naman ang lungkot na nararamdaman ko. Hope, please huwag mo kong iiwan, a. Hindi ko ata kayang makita ka na wala na sa akin. Sobrang sakit na ngang makita kang walang nararamdaman sa akin."
Napapikit ako sa sinabi nya bago ko sinapo ang kanyang mukha gamit ang aking dalawang palad. Pinagdikit ko ang noo namin bago sya nginitian.
"I can't promise, but I'll try my best. Babalik din ang mga memories natin, Hunter. Isa lang 'tong challenge, okay? Kaya kailangan nating nagpakatatag."
"I love you so much, Hope..."
I've not been able to respond to what you said, Hunter. I just don't want you to rely on me. But I promise, babalik ang lahat sa tamang panahon..
YOU ARE READING
Different Us
Teen FictionWhat if he loves someone he thought was you? Are you able to witness all of his love to someone he thought was you? Can you accept everything that happens? Dahil in the first place, ikaw ang may dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng iyong nak...