V. From Craze to Chase

4 3 0
                                    

Hope

"What do you want to eat, femme laide?"

"It's up to you!" Saad ko dito bago ulit binalingan ang aking dalawang kaibigan. Umalis naman kaagad si Craze, kaya todo na ulit ang daldalan namin nila Tiana at Rees. "Grabe! I can't really imagine na nandito na ulit ako sa harapan nyo."

"Me too!"

"Also me! Ano ba kasing ginawa mo?"

"Gaga! May amnesia nga diba?"

"Oo nga pala. By the way, Can I call you Hopie?" Tanong ni Rees sa akin habang nagpapa-cute ang mga mata nito.

Tumango ako dito, bago nagsalita. "Ye!"

"Talaga?"

"Oo naman! Bakit?"

"Ayaw mo kayang tawagin ka sa ganong pangalan." Si Tiana naman ang nagpaliwanag.

"Wae? Ang cute kaya."

Kumunot ang mga noo nila sa aking sinabi. Totoo naman, e. Ang cute! "Amm.. Can you tell me who I am? Wala talaga akong idea sa kung sino ako, e."

Tumango silang dalawa sa akin, bago sila nagsimula sa pagsasalita. Sino nga ba talaga ako?

"Ikaw ay isang masungit na babae.

"Ikaw ay tinaguriang Ms. Cold ng school.

"Hindi ka namamansin ng mga hindi mo close."

"Isa kang bully."

"Kuripot ka din."

"Hindi ka sweet na bestfriend."

"Lagi kang nag-aaway."

"Mapili ka sa iyong mga kinakausap."

"Lagi mo rin kaming inaaway."

"In short, you are very cold to us!" Sabay na saad nila sa akin.

"Jinjihage?" (seriously)

Todo-todong tango ang kanilang isinagot sa akin. Ganon talaga ako? Masungit? Bully? Cold? Grabe naman! Mukha naman akong mabait na bata, a.

Napatigil ang paglaki ng mga mata ko ng may biglang naglapag ng pagkain sa lamesa. Tinignan namin si Craze na may fries pa sa kanyang bibig.

"Hindi ka naman gutom nyan?" Saad ni Rees kay Craze.

E grabe naman kasi! Sobrang daming inorder na pagkain ni Craze. As in sobrang dami!

Kumuwa si Rees ng fries sa tray na dala-dala ni Craze, kaso tinapik sya kaagad nito. "Aray naman!"

"That's not for you!" Mariing saad sa kanya ni Craze.

Ang damot ng peg, a!

"Ano, sayo 'yan lahat? Maging mabait ka naman kahit minsan, Chase!" Mapang-asar na saad ni Rees sa kanya.

Uh-oh! I smell something fishy. Patuloy pa din sila sa pagbabangayan hanggang sa kumuwa na din si Tiana ng fries, ngunit katulad ng ginawa nya kanina. Tinapik nya lang ang kamay ni Tiana kaya napabitaw ito sa fries na kukunin nya dapat.

"Hindi rin 'yan sayo!"

"E kanino ba kasi 'yan!?" Sabay na saad nila Tiana at Rees sa kanya na halata mong naiinis na sa kadamutan ni Craze.

Inirapan sila ni Craze bago nagsalita. Wow lang! Ang pogi-pogi tapos nang-iirap? Lakas tama din 'to, e.

"Para kasi 'yan kay Hope!"

Napataas ang kilay ko sa sinabi nya habang nakatingin na din ako dito. "Busog pa ako, Craze. Thank you, but mas better kung ibibigay mo na lang 'yung iba kila Rees."

"No way! Madamot ako, tsaka hindi! You need to eat."

Napakunot ang noo nila Rees at Tiana sa inaasal nya. Ano bang trip ng lalaking 'to? Kanina si Eomma, ang dami ding niluto. Pati ba naman ngayon!? Pinapataba ba nila ako? Sabagay, madaming insecure sa katawan ko. I'm so sexy kasi.

"Fries na lang 'yung kakainin ko, okay ka na?"

Tumango sya sa akin habang sukbit-sukbit nito ang malaking ngiti habang naka-thumbs up pa. Cute sana sya, e. Baliw lang talaga.

-----

Andito kami ngayon ni Rees sa may mango tree, dito sa may field. Wala si Tiana, dahil kasama nya ang boyfriend daw ni Tiana na si Bradley. At kung nagtatanong kayo kung nasaan si Craze, andon sya sa may gitna ng field at naka-indian seat. Grabe talaga! Ang init-init tapos nagbababad sya don? Baliw nga talaga sya!

"Ano bang trip ni Chase?"

"Ewan ko dyan. May saltik, e. Matanong nga, dati na ba 'yang ganyan?"

"Oo? Ewan, hindi ko naman close 'yan. Ni hindi nga rin kami nag-uusap nyan, e."

"Seriously?"

So it means, ngayon lang sila nag-usap? And ngayon lang din sila nag-bonding? Ha? Classmates kaya sila!

"How about me? Close ko ba 'yan?"

Bigla syang napatawa ng malakas sa tanong ko. Anong nakakatawa don? Minsan sinasapian na din sya ni Craze, e. Kaya nga siguro bagay 'yang dalawang 'yan. Parehas may saltik.

"Totoo din bang kabit ko sya?"

Mas lalong lumakas ang tawa nya. 'Yung tipong pati 'yung mga taong nandito, napapatingin sa kanya. Tama! Magsama nga sila ni Craze. Hindi ko sila parehas maintindihan. May mga saltik, ang mga tao dito. Mygash!

"Naniwala ka sa kanya?"

"Hindi. Kaya nga nagtatanong diba?"

Duh. Minsan slow din 'tong si Rees, e. Ewan ko ba! Bakit ko nga ba naging kaibigan 'yang mga 'yan. Hindi naman siguro ako baliw dati diba? Baka nga seryoso ako sa buhay, kasi masungit ako. E, bakit sila ang mga kaibigan ko? Ang gulo naman!

"Si Chase, ay isa lang normal na estudyante. But, he has no friends. Lagi syang lonely, hanggang sa napag-tripan mo sya. Lagi mo syang binubully. Lagi mong kinukuwa ang mga pera nya. Si Chase 'yung tipong mabait na tao. 'Yung parang hindi nagagalit. Naalala ko nga nung muntik ka ng malaglag sa hagdan, e. Sya 'yung sumalo sayo, pero ang ginawa mo don, e..." Tumigil sya sa pagsasalita. Pabitin naman ang isang 'to!

"What?"

Base sa mukha nya, hindi nya malaman kung sasabihin nya pa ba sa akin o hindi na. "Sinisi mo sya. Sya 'yung pinalabas mong tumulak sa sayo. Saksi ako! Anak sya ng may-ari ng school. Anak sya sa labas. Kaya ganon na lang kasama, hindi naman sa ganong kasama ang mga magulang nya sa kanya. Kulang sya sa atensyon. Nakita ko syang umiyak non, ng dahil sa bintang mo. Hanggang sa hindi sya pumasok ng isang linggo. Sabay kaya kayong pumasok! Ngayon na lang ulit namin kayo nakita."

Halos mahulog ang panga ko sa kwento nya. Totoo ba 'yon? Ganon talaga ako kasama?  Ganon ako dati kay Craze? Pero sya pa 'yung unang kumilala sa akin at tumulong. Grabe! Sobrang bait nya at hindi nya deserve 'yung mga pinaggagawa ko sa kanya dati.

Grabehan 'to!

Tumayo ako sa pagkakaupo ko, bago tinakbo ang daan patungo kay Craze. Ng maabutan ko sya, yinakap ko kaagad sya ng mahigpit. It means, nandito kami sa gitna ng kainitan at nagyayakapan.

"Sorry... Chase. Sorry....."

Hindi ko alam, pero nakaramdam ako ng awa sa kanya. Gusto kong mapaltan ng magagandang alaala 'yung mga ginagawa ko sa kanya noong masama.

"Babawi ako sayo, Chase....."

Different UsWhere stories live. Discover now