IV. Welcome back, Hope Lee

12 3 0
                                    

Hope

Kinabukasan, maaga akong nagising upang maghanda sa aking pagpasok. Hindi ito ang first day ng school, pero para sa akin, isa ulit itong first day. Halong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan kasi ako sa kung anong mga reaksyon nila kapag bumalik na ulit ako. At na-eexcite naman, kasi makikita ko na ulit ang mga kaibigan ko.

"Nae ttal, breakfast is ready!"

"Ye!"

Sinikipan ko ang neck tie ko, bago ulit tinignan ang sarili ko sa salamin. "Wanjeonhan!" (perfect)

Kinuwa ko na ang bag at phone kong naka-charge sa may study table ko. Hindi ko pa ito nabubuksan, kaya expected kong madaming messages at missed calls dito.

Lumabas na ako sa aking kwarto, bago tinungo ang dining area ng bahay namin ni Eomma. Ang bahay na tinitirhan namin ngayon ay hindi katulad ng mga mansyon. Isa lamang itong bungalow, at may dalawang kwarto dito. Hindi naman ito maliit, bagkus malaki pa nga ito para sa aming dalawa ni Eomma.

"Joh-eun achim Eomma!" (good morning mom)

Liningon ako ni Eomma na busy sa paghahanda ng breakfast namin. "Umupo ka na at simulan mo ng kumain."

Nanlula ako ng dahil sa daming inihain na pagkain ni Eomma. "Eomma! Ang dami mong niluto na pagkain."

"Dang-yeonhaji! Andito na ulit ang anak ko." (of course)

Nginitian ko na lamang si Eomma, bago kinuwa ang kutsara at chopsticks sa gilid ng aking plato. Umupo na din si Eomma sa upuan kaya nagsimula na kaming kumain na dalawa.

"Are you nervous?"

"Ye." (yes)

"Sigurado akong matutuwa ang mga kaibigan mo kapag nalaman nilang nandito ka na ulit."

Ngumiti ako at inisip ang maari nilang maging reaksyon. "I was excited, but also nervous for their reaction. Hindi ko din natatandaan ang mga itsura nila kaya, paano ko malalaman na sila ang mga kaibigan ko?"

"Do you want me to call your friends?"

Umiling ako kaagad sa kanyang sinabi. "Ani. I want to surprise them." (no)

"Okay. Kumain ka lang ng kumain para may energy ka."

"Okei eomma!" (ok mom)

-----

"I'm so nervous, Eomma."

Andito na kasi kami ngayon sa tapat ng gate ng school ko. Hindi ko alam pero para akong masusuka ng dahil sa sobrang pagkakaba. "Don't feel nervous, okay? Hindi naman nangangain 'yang mga kaibigan mo, tsaka baka nga matuwa pa sila dahil nandito ka na!"

Huminga muna ako ng malalim bago niyakap si Eomma. "Annyeong Eomma!" Bumaba na ako sa sasakyan ni Eomma, bago pumasok sa loob ng gate ng school. Lumingon ulit ako kay Eomma tsaka sya kinawayan.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at sana may makakilala sa akin, dahil hindi ko alam ang aking room. Para akong tangang naglalakad sa hindi malaman na tutunguhan.

"Hope Lee!?" Napalingon ako sa lalaking tumawag sa akin. Nanlaki ang nga mata nyang chinito, bago ito lumapit sa akin. "Kamusta ka na? Mabuti at nahanap ka na nila."

"Ye. S-sino ka nga pala?"

Kumunot ang noo nya bago dahan-dahang itinuro ang kanyang sarili. "Hindi mo ako naaalala?"

Umiling ako dito. "I have an amnesia."

Literal na napanganga sya sa kanyang narinig, kaya napatawa na lang ako sa reaksyon nito. Ang cute niya! "Seriously!?"

Different UsWhere stories live. Discover now