Day 6

59 6 2
                                    

  8:02 pm
Faith: Kamusta My labs?
Faith: Ay! Wag mo na lang sagutin.
Faith: Alam ko namang masaya ka ngayon.

     Seen 8:04 pm

Faith: Nakita ko yung tinag sa wall mo. Birthday pala ng gf mo.
Faith: Pasabi happy birthday. Ang wish ko para sa kanya ay hiwalayan kana.
Faith: Para pwede na tayo.

      Seen 8:07 pm

Faith: Yiehh! Kilig ka naman. Haha.

      Seen 8:07 pm

Jansen: What the fuck?

Jansen: Wala ka na bang magawa sa buhay mo kaya nangungulit ka ngayon?

Faith: Bukod sa pagkain, pagligo at panunuyo sayo, wala na kong ibang ginagawa.

    Seen 8:08 pm

Jansen: -_-

Faith: Kinilig na naman si My labs kaya speechless. Haha.
Faith: Pero alam mo My labs, may bago kaming kapitbahay. Niyaya akong lumabas.
Faith: Nagdadalawang isip ako kung sasama ako.

        Seen 8:10 pm

Jansen: Sumama ka para wala ng mangulit sakin. -_-

Faith: Pero malay mo rapist pala yon? Tapos mabuntis ako at pilitin ni mama na ipakasal kami? :o
Faith: Paano na tayo? :'(

       Seen 8:11 pm

Jansen: Ang OA mo.

Faith: *pout*

       Seen 8:12 pm

Jansen: Tigilan mo yang expression mo. Ang sagwa.

Faith: Anong masagwa dito? *pout*
Faith: Ang cute kaya.

         Seen 8:14 pm

Jansen: Basta. Wag kang gaganyan sa labas.

Faith: Ha?

       Seen 8:15 pm

Jansen: Out na ko. Wag kang sasama kung ayaw mong i block kita.

     Seen 8:16 pm

30 Days of AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon