Day 14

51 5 0
                                    

10:49 pm

Faith: Whaaa! My labs!
Faith: Na miss kita. Huhu!!

Seen 10:50 pm

Jansen: -_-

Faith: Thanks sa pag unblock. :)
Faith: Alam mo ba kinabahan ako kasi akala ko wala ka na talagang balak akong kausapin. *pout*
Faith: Na miss mo siguro ako no? Yiehh!! Haha!

Jansen: Nagsisisi na tuloy akong i unblock kita.
Jansen: Ang kulit mo. Sinabi na kasing wag ng mag chat, nag chat pa rin. Nag away tuloy kami ng gf ko. -_-

Faith: Sorry na. *pout*
Faith: Hindi ko naman alam eh. Hindi ako sanay ng hindi ka china chat.

Seen 10:52 pm

Faith: Tyaka wala naman dapat ika selos gf mo eh. Kahit gusto kita alam ko namang hindi mo ko papatulan.

Jansen: Pano mo nasabi?

Faith: Unang una, maganda naman siya. Pangalawa, kahit mukha kang babaero, alam kong loyal ka pa din sa kanya kasi kung hindi, tayo na sana.
Faith: Diba?

Jansen: Alam mo naman pala pero bakit pinagpipilitan mo pa din ang sarili mo?

Faith: Gusto ko lang naman maging ka close ka eh! Bukod sa gwapo ka, gusto ko ng may makausap. Boring kasi dito.

Jansen: Wala ka bang kaibigan?

Faith: Meron, pero gusto ko ikaw.
Faith: Please! *pout*
Faith: Kahit hanggang katapusan lang. Kahit hanggang 30 lang, pagtyagaan mo ang kakulitan ko.

Jansen: Bakit? Aalis ka ba sa May?

Faith: Oo.

Jansen: Ah! Hindi ka na ba magcha-chat? Wala bang facebook dun?

Faith: Wala eh. :(

Jansen: Ang weird mo. Saan ka ba talaga pupunta?

Faith: Basta! Malayo.
Faith: Ui! Ayaw niya kong umalis. Haha!

Seen 10:57 pm

Faith: Gusto mo kong ka chat no? Aminin! Haha!!
Faith: Si My labs ayaw akong patigiling i chat siya. Haha!

Jansen: -_-

Faith: Joke lang.
Faith: Alam ko namang pinagpapasensyahan mo lang ako eh!
Faith: Konting araw na lang naman. Babalik na ulit sa dati yang buhay mo.

Seen 10:59 pm

Faith: Ito naman ang gusto mo diba? Tutuparin ko to sa 30th day kaya don't worry My labs, magiging okay din ang lahat.

Jansen: Para kang nagpapaalam. May sayad ka yata.

Faith: :)

Jansen: Tutulog na ko.

Faith: Ok. Good night My labs.

Jansen: Faith.

Faith: Uhmm! Bakit?

Jansen: Nasanay na kong kinukulit mo kaya hindi mo na kailangang umalis.

Seen 11:00 pm

30 Days of AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon