10:09 am
Faith: My labs, may problema ba?
Faith: Nung isang araw ka pa ganyan tapos kagabi.. :(Jansen: Wag mo na lang pansinin yung mga sinabi ko. Madami lang akong iniisip.
Faith: May problema ka nga. :(
Faith: Gusto mo sabihin? Malay mo may magawa ako.Jansen: Doctor nga walang magawa, ikaw pa kaya.
Faith: Ha? Doctor? May sakit ka? Anong nangyari sayo?
Jansen: Na detect na may cancer ang gf ko. Stage 2. Leukemia. Naaapektuhan na din pati mata niya.
Seen 10:12 am
Jansen: Masaya ka siguro no?
Faith: My labs.
Jansen: Alam na din niya na hanggang ngayon naguusap pa din tayo. Alam mo ba kung anong gusto niya?
Jansen: Gusto niyang maghiwalay kami. Gusto niyang pakawalan ako kasi akala niya mas okay na ikaw na lang.
Jansen: Hindi ko nga alam kung bakit niya nasabi yun eh hindi ka naman niya kilala.Jansen: Yun ang gusto mo diba? Ang maghiwalay kami.
Faith: Paano mo nasasabi yan? Ganyan ba talaga kababa ang tingin mo sakin?
Faith: Buhay ng tao ang pinaguusapan dito. Oo. Gusto kita pero kahit kaylan hindi ko ginusto na makasira ng relasyon. Kung may nasabi man ako dati tungkol sa paghihiwalay niyo, lahat yun biro lang.Faith: I'm sorry. Hindi ko talaga gusto na masira kayo. Kung gusto mo kakausapin ko siya. Ako na lang ang magpapaliwanag sa kaniya.
Seen 10:20 am