Last Day of April

82 8 2
                                    

9:10 am

Jansen: Hindi ka pa din online.
Jansen: Akala ko ba ngayon mo sasabihin kung sino ka.
Jansen: Oi.

Faith is typing....

Faith: Hi! This is Mei Astrid. Natatandaan mo pa ba ako iho?

Seen 9:13 am

Jansen: Tita Mei? Bakit?

Faith: Masaya ako na nagkausap kayo ulit ni Faith. Ayaw kong sakin mismo manggaling ang lahat kaya mabuti pa, basahin mo na lang ang ise send ko sayo. Ito din ang gusto niya kaya pasensya na iho.

Faith: Sent a link of Faith's Message.

Hi My labs! Siguro kung nababasa mo to, nasa malayong lugar na ko. Gusto man kitang makausap pero walang internet dito eh. Bawal kasi pero kahit ganun, hindi naman ako mawawala sa tabi mo. Lagi lang akong nandyan.

Natatandaan mo pa ba yung sinabi ko sayo nung anniversary natin dati? Na kapag namatay ako, gusto kong maging hangin. Para kahit saan ka man magpunta lagi mo kong mararamdaman. Miss na kita My labs. Miss ko na yung dati. Miss ko na yung pagbibigay mo sakin ng baby's breath flower. Miss na kitang tawaging Chubs. Miss na kitang kayakap, kakwentuhan at kakulitan. I'm sorry. Sorry kung naduwag ako. Sorry kung basta na lang akong umalis dati. Sorry kung naging selfish ako. Ayoko lang makita kang nahihirapan ng dahil sakin. Akala ko talaga pang habangbuhay na tayo. Akala ko ikaw na ang makakasama ko hanggang sa pagtanda pero puro akala lang pala yun. Sorry. Hindi ako magsasawang sabihin to sayo. Ayoko pang mawala. Ayoko ng iwan ka pero hindi ko hawak ang oras ko.

Naalala mo pa yung kwento na dapat ikekwento ko sayo? Bumalik ka sa pinakaunang chat ko sayo hanggang dito. Yun ang kwento ko. Gusto kong isipin mo na isang kwento lang ang lahat. Na may susunod pang mas magandang kwento para sayo. Magiging maayos din ang lahat. Babalik ang lahat sa dati pero may isa lang akong hiling sayo. Please don't ever let go Claire. I know she's the one for you. I know that she can love you more than I can.

This will be the last chapter of our story. The last chapter of 30 days with me. I love you Jansen. I will always be in your heart. Good bye

Your former gf and forever fangirl
April Faith Astrid.

_________________

Tita Cath send you a message.

Cath: Jansen iho, alam na namin kung sino yung donor ni Claire. She's April Faith Astrid, a heart disease patient. May taning na pala ito at kanina lang daw to binawian ng buhay. Ito din ang donor ng mata ni Claire. Yun daw kasi ang hiling nito. Pupunta kami ngayon sa kanila para makiramay at magpasalamat. Sasama ka ba?

Seen 9:30 am

30 Days of AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon