Day 28

45 5 0
                                    

9:10 pm

Jansen: Sorry. Nakatulog na ko kagabi.

Faith: Ano ka ba? Ok lang.
Faith: Kamusta pagpapa chemo niya?

Jansen: Okay naman. Medyo matamlay siya kanina pero epekto naman daw yun ng chemo.

Faith: Hindi ko man nakilala ng personal ang gf mo, alam kong mabait siya kaya wag kang mag alala. Gagaling din siya.

Jansen: Kahit binlock ka niya dati?.

Faith: Oo. Naiintindihan ko naman yun. Kung ako nga yun baka kung ano na nasabi ko sa babae pero yung gf mo, nakiusap pa siya na tigilan kita.

Jansen: Tama ka. Mabait siya.
Jansen: Faith.

Faith: Bakit?

Jansen: Naalala mo yung mga message ko sayo nung nagdaang araw?

Faith: Alin dun? Yung mga message mong puro hugot?

Jansen: Kung sino ka.

Faith: Uhmm..

Jansen: Hindi na kita pipilitin. Hindi mo naman kasi sasabihin tutal sa isang araw 30 na. Yun ang sabi mo diba?

Faith: Oo. :)
Faith: Salamat.

Jansen: Sa pagtitiis ko sa kakulitan mo?

Faith: Oo. Mami miss ko to. :)

Jansen: Aalis ka pa rin?

Faith: Kaylangan eh.
Faith: Pero lagi naman akong nandito. Stalker mo kaya ako. ;)

Jansen: Akala ko ba admirer ka? Haha!

Faith: Send a photo.

Jansen: Bakit mo ini screenshot?

Faith: Remembrance. First time mo kayang tumawa sa convo natin. Haha!

Jansen: Isip bata. Haha!
Jansen: May napansin ako.

Faith: Ano?

Jansen: Bakit hindi mo na ko tinatawag nun? Nasaan na ang My labs?

Faith: Ha? Kasi..

Jansen: Kasi ano?

Faith: Naisip ko lang na mali talagang tawagin kitang ganun. May gf ka kaya hindi dapat kita tinatawag nun.

Jansen: Ah..

Faith: Good night na. Tulog ka na din. Alam kong pagod ka ngayon. :)

Jansen: Sige.
Jansen: Good night Faith My labs. ;)

Seen 9:17 pm

30 Days of AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon