11:30 pm
Faith: My labs! :*
Faith: Na miss kita. Haha!Seen 11:31 pm
Faith: Sorry ngayon lang nakapag chat. Napuyat kasi ako eh.
Seen 11:32 pm
Faith: Ay! Bakit seen lang?
Faith: Galit ka ba?
Faith: Nabasa ko yung huli mong message. Sorry na. Akala ko kasi tulog ka pa tyaka paalis na kami nun kaya hindi na kita nahintay.Seen 11:34 pm
Faith: Whaa! Galit ka talaga. :'(
Faith: Sorry na. Kababati lang natin tapos galit ka na naman. *pout*Jansen: Hindi ako galit.
Faith: Tunay? Hindi ka talaga galit?
Jansen: Hindi. Saan ka pumunta kahapon?
Faith: Sa lifestyle. May pa welcome party kasi dumating yung anak ng kaibigan ni mama. Bakit mo pala natanong?
Seen 11:37 pm
Faith: Ui My labs!
Faith: Sabi ko sa party kami galing.Jansen: Sino yung pinost mong picture? Ikaw yun?
Faith: Uhm! Oo. Bakit?
Jansen: Sino yung naka akbay sayo? Bakit naka crop hanggang leeg yung picture?
Faith: My labs.
Jansen: So boyfriend mo yun?
Faith: Ha?
Seen 11:40 pm
Faith: My labs?
Jansen: Wag mo na kong tawagin niyan. May boyfriend ka na pala tapos nangungulit ka pa.
Jansen: Kung hindi ka nahihiya sa bf mo, mahiya ka sa sarili mo. May bf ka na pala, nanlalandi ka pa ng iba.Faith: Hindi ako malandi. :(
Jansen: Hindi ba malandi ang tawag sa babaeng nagpapapansin sa lalakeng may gf na?
Faith: Grabe ka na.
Faith: Lahat ng sinabi mo dati, kahit masakit dinaan ko lahat sa biro.
Faith: Dapat sinabi mo na lang na sawa ka na sa kakulitan ko. Dapat sinabi mo na lang na tigilan na kita hindi yung hinuhusgahan mo na agad ako.
Faith: Nag iba ka na talaga.11:46 pm
Jansen: Faith.
Seen 11:47 pm