5:15 am
Faith: Good morning My labs! :)
Faith: Gandang pambungad ko sa umaga mo no?
Faith: Haha!Seen 5:17 am
Jansen: Hindi ka ba natutulog?
Jansen: Ang aga aga nambibwisit ka na.Faith: Binabati lang naman kita ah. *pout*
Jansen: Tapos mo na kong batiin kaya wag ka ng mag chat.
Faith: Ayaw. Haha!
Jansen: Kulit. Tss!
Faith: Sent YouTube link: Full house song papa bear.
Faith: Pakinggan mo yan. Yan ang lagi kong sinasayaw tuwing umaga. Haha!Seen 5:19 am
Jansen: Tapos? -_-
Faith: Sayawin mo din. Exercise kaya yan.
Jansen: Wag mo kong idamay sa pagiging isip bata mo.
Faith: Grabe ka! Pati nga si mama at lola eto ang exercise song eh! *pout*
Jansen: May tanong ako.
Faith: Ano?
Faith: Tatanungin mo na ba ko kung pwede mo kong maging girlfriend?Seen 5:20 am
Faith: Kahit wag mo ng itanong. Yes na yes ang sagot ko. Haha!
Faith: Kilig is me!Jansen: Tanga, hindi.
Jansen: Bakit ganyan profile mo?Faith: Bakit? Anong masama sa bulaklak?
Seen 5:21 am
Jansen: Bakit hindi mukha mo ang profile mo?
Faith: Ui! Gusto niya makita mukha ko. Haha!
Jansen: Gusto ko lang makita kung gano kasama mukha mo.
Faith: Ouch! Ang ganda ko kaya. Tingnan mo pa.
Faith: You sent a photo.Seen 5:23 am
Jansen: Niloloko mo ba ko?
Jansen: Yan din yung bulaklak na profile mo. -_-Faith: Hindi kita niloloko My labs. Maganda naman talaga ako kaya bagay tayo. ;)
Jansen: Wala ka bang picture mo?
Jansen: Siguro pangit ka talaga kaya ayaw mong ipakita.Faith: Hindi naman sa ayaw ko ipakita.
Seen 5:25 am
Faith: Saka na lang pag natapos na yung kwentong ike kwento ko sayo.
Faith: Kasabay ng ending nun, malalaman mo kung sino ako.Seen 5:26 am
Jansen: Hindi ako mahilig magbasa.
Jansen: Kaya baka hindi ko mabasa yang kwento mo. Tatamarin lang ako.Faith: Basta! Sa ngayon yan munang bulaklak na yan ang magre represent sakin.
Jansen: Baby's breath flower? Bakit yang bulaklak na yan?
Faith: May isang tao kasing nagsabi sakin dati na para akong ganyan. Dahil sa kainosentehan at pagiging mabait, yan ang lagi niyang binibigay sakin.
Seen 5:28 am