Chapter 5

12 2 2
                                    

YG Entertainment Audition (Part II)

Nakakuha ako ng 4 stars kanina sa sa Dance Audition ko. Buti nalang binigyan ako ng star nung mokong na 'yun. Alas dos na pala ngayon at nandito pa rin kami sa Convention Hall para hintayin yung susunod na audition ko, ang pagkanta. Hindi kasi nila sinabay yung audition sa singing at dancing kasi may ibang nag-audition di alam kung paano sumayaw o kumanta, depende kung saan sila magaling.

Pagkatapos ko sa unang audition ko, kumain muna kami sa labas ng building para magcelebrate. Nagbihis din ako para new outfit na naman. Nakita ko pa nga yung mokong na 'yun na parang nanlilisik yung mga mata sa'kin. 2 points for me Cold Stalker.

Malayo pa naman ang number ko kaya napag-isipan kong maglibot-libot muna dito. A dream come true nga! Habang naglilibot ako, may nakasalubong akong isang lalaki na nakamask. Alam kong hindi si Cold Stranger 'yun kasi iba ang kulay ng buhok niya at medyo matangkad siya. 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang gwapo niya. Hindi ko man makita yung buong mukha niya pero sigurado akong gwapo siya. Bigla akong napatitig sa kanya at ganun din siya. Ang ganda ng mga mata niya. Hindi ko inakalang lalapit siya sa'kin at tinanggal yung mask.

Nagulat ako sa nakita ko............................"Clyde?! BTS Clyde?!" Tinakpan niya yung bibig ko kasi baka raw may makarinig na mga die hard fans at dumugin siya. Medyo namumula nga yung pisngi ko. Ano ba naman 'to.

"What are you doing here?" Seryoso niyang tanong. Ano bang ginagawa ko dito? Ahhhhh...kasi...anooo.

"Kas--kasi....ano-o...ahhh naglilibot lang" Bakit ba ako hindi makasagot ng klaro. Pautal-utal pa ako, nakakahiya naman. Iniwas ko agad yung tingin ko sa kanya para hindi niya mahalata na namumula ako.

"Ganun ba?"......Oo, ganun nga! "Hindi ka ba malalate sa audition mo? Number 0800 na" Ha?! Ganun ba kabilis ang oras?

"Hala! Oo nga pala!" Napakamot nalang ako sa ulo ko. "Pasensya ka na, hihi. Sige alis na ako!" Aalis na sana ako nang bigla niyang hinila ang kamay ko at napasandal ako sa dibdib niya. Shocks! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pulang-pula yung mukha ko na parang isang kamatis. Nag-iinit din ang pakiramdam ko. Ano ba 'to?!

Ilang segundo rin kaming natahimik. Ano bang ginagawa niya? Bakit niya ako hinila? Ang daming tanong ang umiikot sa ulo ko ngayon! Para akong mababaliw kakaisip.

Kumalas siya sa pagyakap sa'kin at tiningnan niya ako. "Sorry, dun. Kailangan ko lang kasing gawin" Ayyy. Napilit lang pala? Ang ganda na sana ng moment na 'yun! "

"Okay lang yun. Nagulat lang talaga ako" At ngumiti ako sa kanya. Kahit saang anggulo, ang gwapa talaga niya. Ang tangos ng ilog, parang kumikinang yung mga mata, ang pula ng labi, ang amo talaga ng mukha niya.

"Ihahatid na kita sa hall" Sabi niya. Ha?! Ang isang sikat na singer na si BTS Clyde ay ihahatid ako sa mall? Wow! Kaya pala ang daming nagkakagusto sa BTS dahil ang gentleman nila. Pero nakakahiya naman kung pumayag ako.

Accidentally In Love with a SuperstarWhere stories live. Discover now