Cold Stalker
Kinausapan ko si Ms. Rivera na magtatrabaho muna ako sa araw na'to, ayaw niya sana pero pinilit ko siya. Gusto ko kasing makasama ko muna 'yung mga staffs dito, naging pamilya ko na rin sila.
"Dana, tungkol sa performance niyo sa 25th Annual celebration, thank you talaga. You guys made the event spectacular. Lalo na 'yung last performance ninyo. Napasayaw yung mga guests natin hahaha! Lalo na sina Mr. and Mrs. Verano, napaindak"
"Hahaha ginawa lang naman po namin 'yung best namin. Hindi nga namin inakala na magugustuhan nila 'yun" Sobrang saya talaga nung event na 'ýun, kahit nakaformal sila, sumayaw pa rin sila na parang nasa isang club! Ang WILD!
"Kaya dahil dun, may pabonus ako saýo" May binigay siya sa'kin na credit card. CREDIT CARD?!!!!! Totoo ba'to??? "Nagdeposit na ako ng pera dyan. Ikaw na bahala kung saan mo 'yan gagastusin"
Niyakap ko siya ng mahigpit. May credit card naman ako nun, nung buhay pa si Mama pero nung namatay siya, naubos lahat ng pera niya pati pera ko dahil kinuha lahat ni Papa. Galit nga ako sa kanya. Hanggang ngayon nandito pa rin 'yung galit sa puso ko.
"Maraming salamat po talaga Ms. Naku! Ang laking tulong nito sa'kin" Pero naalala ko yung mga kasama k--.
"Binigyan ko rin sila ng credit card kasi alam kong napakalaki rin ang naitulong nila sa'yo"
"Mind-reader po ba kayo Ms. Rivera?" Natawa nalang kami pareho.
Meron pa akong natitirang 3 hours bago ako umuwi. May isang grupo ng lalaki ang pumasok sa cafe, nakamask silang lahat, Yung iba nakacap, yung iba naman nakashades. Seriously? Anong trip nila?
"Good Evening, Sir. Welcome to Bears & Cuddles Cafe! What's your order?" Tanong ko.
Isa-isa silang nag-order maliban sa isa.......Teka! Familiar siya sa'kin ha.
"Ikaw na naman?!" Napatingin silang lahat sa'kin pati na rin yung mga kasama ko dahil sa lakas ng boses ko. Mukhang nagulat ata sila.
"Oo, ako na naman. Bakit? May angal ka? In this kind of situation, ikaw yung may problema sa'kin at hindi ako" Cold niyang sabi. Kaasar talaga! Nagdala ba siya ng isang battalion dito sa cafe.
"Excuse me lang ha? Akala mo siguro nakalimutan ko na 'yung ginawa mo sa'kin nung isang gabi? You act like dumb!" Nakakainis na kasi siya! Bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya at lumapit sa'kin. Habang paforward siya,pabackward naman ako. Ano na naman ba ang ginagawa niya? Ipapahiya niya ba ako dito sa mismong cafe na pinagtatrabahuan ko?
I didn't notice na wall na pala ang nasa likod ko, nacorner na niya ako. Teka? Ito yung mga nasa movies ha? Napalunok nalang ako bigla nung lumapit yung mukha niya sa'kin. Napapikit ako bigla, ang bango naman ng hininga niya at medyo nanginginig na yung tuhod ko. Bigla siyang may binulong sa'kin.
"Don't mess with me, Danica" Nagulat ako sa sinabi niya, kilala niya ako? Paano? Di ko naman siya kilala. Sh*t baka stalker siya at gusto niya akong patayin?
Tinulak ko siya ng malakas. "How did you know my name? Are you my stalker?!" Ngumisi lang siya tsaka bumalik sa seat niya. Nakita ko pang nakatingin yung mga kasama niya sa'kin bago ako pumasok sa baking room.
"Arghh! Kainis talaga ang lalaking 'yun! Ang sarap niyang suntukin! Akala ba niya natatakot ako sa kanya? Lasunin ko yung mokong na 'yun!" Galit kong kinuha yung mga inorder nila tsaka bumalik sa table nila.
"Here's your order, Sir" Ngumiti ako sa mga kasama niya, maliban sa kanya. Aalis na sana ako nang bigla siyang nagsalita.
"Where's my order, DANICA?" Diniin talaga niya yung pagkasabi niya sa pangalan ko. Nang-aasar ba siya? Nakita kong ngumisi yung mga kasama niya.
"May inorder ka po ba? Ang huli ko kasing naalala, ikaw lang yung hindi umorder" Ngumisi rin ako sa kanya tsaka bumalik sa baking room. Dinig ko pa ang kantyawan nila. 1 point for me Cold Stalker.
--
"Dana, puwede ka nang umuwi" Sabi ni Ms. Rivera. Nagthank you ako sa kanya tsaka nagpaalam sa mga kasama ko. Doon ako dumaan sa likod ng cafe para di ko makita ang mukha niya. Nandun pa kasi sila sa cafe, nageenjoy yata sa mga bears.
Tutal malapit lang naman yung bahay ko dito, naisipan kong maglakad na lang. Dumaan muna ako kina Nicole para kunin si ChimChim, ang Pomeranian ko. Sa tuwing working hours ko, kina Nicole ko kasi ibinibilin si ChimChim para maalagaan siya at malapit din naman yung bahay nila sa cafe.
Nagstay lang ako ng 10 minutes sa kanila dahil magreready pa ako para bukas. Hays, aabsent pala ako bukas, kaya dapat matapos ko na 'yung ipinapagawa ng mga teachers sa'kin. Humingi kasi ako kaninang umaga ng mga advance activities buti nalang naintindihan nila ako. Ang lakas ko kasi sa kanila HAHAHA!
Habang naglalakad ako kasama si ChimChim, biglang may tumakip sa bibig ko. Dinig ko pa ang pagtahol ni ChimChim sa lalaki. Sinubukan kong kalabanin siya, pero naramdaman ko ang kutsilyo sa bewang ko. Bakit ba ako lapitan ng malas?!!!!
Tahol lang ng tahol si ChimChim. "Ibigay mo na ang pera at cellphone mo!" Sabi nung tulisan. Dahil sa takot ko, ibibigay ko na sana yung bag ko, nang may biglang sumuntok sa kanya. Nabitawan ako ng tulisan kaya nadapa ako. Nilapitan naman ako ni ChimChim, at parang pinoprotektahan niya ako kasi pumagitna siya sa'kin.
Kitang-kita ko kung paano niya pinapahiran ang tulisan. Pinagsusuntok niya ito na parang walang awa. Dahil may dalang kutsilyo yung tulisan, nasugutan yung lalaking nagligtas sa'kin. Sinuntok pa rin niya hanggang sa bumulagta ito at tuluyan nang nawalan ng malay.
Lalapitin ko sana siya para magpasalamat at gamutin yung sugat na nasa kaliwang braso niya pero agad siyang tumakbo palayo. Di ko medyo nakita yung mukha niya dahil medyo madilim sa part na'to. Habang tumatakbo siya palayo napansin kong may nahulog siya.
"D...."
ESTÁS LEYENDO
Accidentally In Love with a Superstar
FanficDid you ever fall for someone you know you shouldn't? Try hard to fight your feelings, but you just couldn''t? You fall deeper with each passing day, but try to hide it in every possible way. Isang babaeng studyante ang nangangarap na maging is...