First Kiss
Hey guys! It's March 13! First day ng school fest namin. Ayy oo nga pala, tungkol sa auditions ko last Thursday, nakapasok na ako! Pero hindi pa yung totally pasok ka na at puwede nang mag-sign ng kontrata, meron ka pang mga challenges na haharapin. Round 1 pa lamang yung auditions. Sa Round 2, e papair kayo sa ibang nakapasok para magshowdown hanggang sa makaabot sa semi-finals. Medyo kinakabahan nga ako eh kasi ang daming magagaling tsaka ngayong Thursday na ang showdown.
"Dana! Dana!" Sigaw ni Nicole. Hays, mamimiss ko 'tong bungangerang babae na'to, dun na kasi siya mag-aaral sa Amerika ng Fashion Designing. Siya kasi yung closest friend ko, sabagay childhood friends kasi kami , hahahaha.
"Ano na naman Nicole? Alam mo sa tuwing tinatawag mo ako, parati kang nakasigaw. Ano ako, bingi?" Pagmamaktol ko. Ang tinis kasi ng boses parang mabibingi ka talaga ng tuluyan.
"Wala ka bang nababalitaan, Dana?" Nagtataka niyang tanong. "Nandito ang BTS!" Ano?! Ba't di ako na-inform dun? Wala naman akong absent sa mga meetings namin ah.
"Ha? Di ba isa ka sa mga student council, ba't di mo alam?" Tinatanong mo pa ako? Hays, minsan ang gulo talaga niyang kausap.
"Ano naman kaya ang ginagawa nila dito? Isang sikat na boy group pupunta dito sa school natin at sasali sa school festival natin. Nakakapanibago" Nakakagulat lang talaga kasi. Bigla ko tuloy naalala si Clyde. Magkikita na naman kami.
"Dana, tara na! Hindi ka dapat malate! Isa ka sa mga sasalubong sa kanila!" Bigla na lang akong hinila ni Nicole papunta sa main gate. Seriously? ba't ang hilig nilang manghila? Agad-agad pinasuot ni Nicole sa'kin yung sash may nakasulat na "Welcome BTS!". Binigyan niya din ako ng bouquet.
"Dapat ready ka Dana" Aba, ikaw nga 'tong ready na ready eh.
After 10 minutes ng paghihintay, dumating na rin sila sakay ng isang limuosine.
Aba! Iba talaga pag sikat! Sigaw ng sigaw yung mga studyante, nakakabingi. Halos buong school parang nababaliw pag labas nila.
Unang lumabas yung rapper na maputi, si Sean, kasunod yung matalinong rapper, si Raven, sunod yung pinakamatanda sa grupo, si James, sunod naman yung pinakamagaling sumayaw, si Jack, pagkatapos yung alien, si Van tsaka sumunod yung maknae na si Clyde at ang huli naman ay si................
"WHAT THE HELL?! TOTOO BA 'TO?!" Bigla akong napamura sa nakita ko. Laking gulat ko nang makita ko siya. Hindi 'to puwede. Patay! I'm so dead! Kahit hindi ko makita yung buong mukha niya noon, alam kong siya yan. Kitang-kita sa mukha niya na medyo playboy siya.
"Dana, Dana" Pasigaw na bulong sa'kin ni Nicole. Bigla naman akong natauhan.
"Ano ba?!" Nagulat ata siya nung bigla akong sumigaw. Tinuro niya yung bouquet na nasa kamay ko at sinabing ibigay ko na raw.
"Wala ka kasi sa sarili mo!" Nagpout pa siya. Aba ang cute lang ha.
Habang naglalakad ako palapit sa kanila, nagsmile agad sa'kin si Clyde.
أنت تقرأ
Accidentally In Love with a Superstar
أدب الهواةDid you ever fall for someone you know you shouldn't? Try hard to fight your feelings, but you just couldn''t? You fall deeper with each passing day, but try to hide it in every possible way. Isang babaeng studyante ang nangangarap na maging is...