Sports Competition (Part II)
10:00 A.M na nang magsimula ang competition. 11:00 pa magsisimula ang Target Archery kaya nagdecide muna ako na panoorin si Vea sa volleyball. Sina Nicole naman nandun na sa swimming pool, sasali kasi siya sa 200 Medley Relay, kateam nga pala sila ni Precious. Si Britanny naman sasali sa Single Badminton.
Magsisimula na ang game nang biglang tumunog ang phone ko.
Cutie Kookie's calling......
Ayy sheeeyt oo nga pala, pupunta nga pala sila dito. Lumabas muna ako para sagutin ang tawag ni Clyde.
"Hello, Clyde?" Dinig ko ang pagtatawanan ng mga BTS.
"Paris, nandito na kami. Asan ka ba?" OMO!
"Nandito ako sa Gym 1, manonood ako sa game ni Vea"
"Sige, pupunta kami dyan" Nahihibang na ba sila? Hindi ba sila natatakot na baka dumugin sila ng mga studyante dito? Kahit puro Senior high school students lang ang nandito, madami pa rin kami. 5, 282 kaya ang population namin.
Inend call ko agad ang tawag ni Clyde at pumasok na ulit sa gym. Nakapuntos ng 5 sina V at 4 naman sa kalaban.
Nagtataka ako kung bakit nahinto ang laro at ang daming nagkukumpulan sa may Entrance, yun naman pala niluwa nito ang BTS. psh!
"Clyde! Mahal ko!"
"OMO!!!! VAN halikan mo akoooooo!"
"James! Jake! Akin kayooooo!"
"Sean! Pansinin mo naman akoooo babe!"
"Raven! Ako nalang! Honey!"
Aba! Ang desperate naman ng mga babaeng yun. Kung hindi lang siguro sila gwapo at sikat, wala talagang pupuri sa kanila.
"Drake, babe! Buntisin mo akoooo!" Putek! Ang laswa naman pakinggan yun. Di ba siya nahihiya? Grabe na talaga ang mga babae ngayon.
"Excuse me, everyone. Please calm down and go back to your seats" Sabi ng host. "Today, is a special day because BTS will watch our games..." Di pa nga tapos magsalita ang host, nagsisigawan na naman ang mga babae. "Girls, please shut up, let me finish first" Buti at tumahimik din sila. Alam kasi nila na isang tigre si Mrs. Arravan, kaya natatakot sila kapag galit ito. "And the most exciting part, they will join us!" Lahat naghiyawan at tuwang-tuwa sa balita. Parang may concert na nagaganap sa loob ng gym.
Ano? Sasali ang BTS sa Sports Competition? Bago magstart ulit ang game, nagpasikat muna sila sa kanta nilang Blood, Sweat and Tears. Napapaindak naman ang lahat!
YOU ARE READING
Accidentally In Love with a Superstar
FanfictionDid you ever fall for someone you know you shouldn't? Try hard to fight your feelings, but you just couldn''t? You fall deeper with each passing day, but try to hide it in every possible way. Isang babaeng studyante ang nangangarap na maging is...