Prologue

16 1 0
                                    

Pagtapos ng isa pang dribble ay agad kong binato ang bola sa ring at... BENGGG! SHOOT FOR 3 pointssss! ^.^

"Pano ba yan? Naka-3 points ako. Yung pustahan natin! Wag kang talkshit bes! Hahahaha!" agad akong hinila ni Jake Bermudez at inakbayan. Bestfriend ko yang pangit na lalaking yan. Hihihi. ^___^

"Madaya ka Mistyyyy! Nangbibiso ka kaya di ko naagaw sayo yung bola kaya dapat ako ang ilibre mo!" tinanggal ko ang pagkakaakbay niya at dinilaan ko siya.

Hahahahaha naloloka talaga ako sa lalaking to, hanggang ngayon di pa rin niya matanggap na natalo ko siya sa 1v1 na laban sa basketball. Partida babae pa ako!

"Ang rule natin ay kung sino ang unang makapuntos ang manlilibre kaya wag mo akong inaano dyan, Jake! Ililibre mo ako, period! Tara naaaa!" hindi ko na siya hinintay pa magsalita at kinuha ko na ang mga gamit ko pero hindi pa kami nakakalabas ay may dumating na hindi kanais-nais na nilalang.

-___________-

"Look who's here?! Nandito ang mga losers hahahaha!" siya si Kurt Nathaniel Villanueva. Ang numero unong bwisit sa buhay ko.

Ang yabang-yabang, weak naman sa basketball. Tss.

"May naririnig ka ba, Jake? May nagsasalita, e tayong dalawa lang naman ang nandito. Baka may multo dito. Huhuhu," narinig ko naman ang tawanan ng mga kaibigan ng kupal na Kurt na yon at halata sa mukha ni Kurt ang pagkapahiya.

Hinila ko na si Jake sa kamay at palabas na sana kami ng basketball court ng hinarangan ng kumag na Kurt ang dadaanan ko.

"Nakakabastos ka na, babae," tinignan ko siya diretso sa mata. Napatingala tuloy ako ng wala sa oras dahil sa sobrang tangkad ng impaktong kaharap ko ngayon.

Hindi ako maliit, sadyang matangkad lang siya. Binitiwan ko ang kamay ni Jake na nasa likuran ko lang.


"Bago mo sana ako pagsalitaan ng ganyan siguraduhin mo munang kausap kita," binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti at saka ulit ako sumeryoso.

"Lumayas ka sa harap ko, wala akong oras sayo," hinintay ko siyang umalis pero hindi parin siya natinag.


Patigasan talaga ng mukha. Hindi ko to aatrasan.

"Please excuse us," si Jake. Hinila na ako ni Jake paalis pero agad namang hinila ni Kurt ang kanang kamay ko dahilan para matigilan ako.


Maka-hawak kala mo naman close kami. Tssss!

"Mas lalo naman atang nakakabastos kung hindi pa ako tapos magsalita ay tatalikuran niyo nako," daming drama ng kumag na Kurt na to peste!


"Nakakaabala ka na, pare. May lakad pa kami ng kaibigan ko," sagot naman ni Jake.

"Sandali lang, Jake. Pagbigyan natin 'tong kumag na to." nag-cross arms ako at saka ko siya binigyan ng nakakatamad na tingin.

Tinignan ko din ang mga kaibigan niyang naka-jersey at may mamahaling sapatos kala mo naman ang gagaling nilang maglaro. Nakaupo lang sila sa bench at para lang silang nanonood ng isang pelikula.

"Anong tingin yan?!" sigaw niya sa akin kaya inirapan ko siya.

"Anong drama yan?!" sigaw ko din sa kanya. Huh! Nag-echo pa ang lakas ng boses ko dahil iilan lang kaming tao dito sa basketball court.

"Alam mo ikaw, napakayabang mo e no! Natuto ka lang magbasketball, ang laki na ng ulo mo. Saka ka magyabang pag natalo mo na ako! Hindi kita aatrasan kahit babae ka pa," pumunta si Jake sa harap ko at itinago ako sa likod niya. Siya ang humarap kay Kurt.


"Bakla ka ba, pare? Pati babae papatulan mo, di ka na nahiya," napatawa ako ng malakas dahil sa sinabi ni Jake.


Hahahahahaha! Bakla talaga yan, Jake! Ayaw lang magpahalata! Hahaha!

Tawa lang ako ng tawa at may palakpak pa sabay hawak sa tiyan ko. Lahat sila nakatingin sakin dahil halos humiga na ako sa sahig kakatawa.

Nakita ko na lang din na tumatawa na din yung mga kaibigan ni Kurt kaya mas lalong lumakas ang tawa ko.


HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA BAKLA BAKLA BAKLAAAAA! ^_____^

"Bakla---- HOYYYY! Subukan mong suntukin siya, tatamaan ka sakin!" bumalik ako sa reyalidad ng biglang hilahin ni Kurt ang jersey ni Jake at ambang susuntukin niya.

Naglapitan sa amin ang mga kaibigan ni Kurt at pinipigilan siya. Pilit kong tinanggal ang pagkakahawak ni Kurt sa jersey ni Jake.


Buti na lang mabait ang bestfriend ko at di pumapatol sa bakla. -___-


"Lakas mong mang-asar na loser kami, e anong tingin mo sa sarili mo? Hahahaha! Sinong nagmukhang mas loser satin ngayon ha, lalaki?!" isang matalim na tingin ang binigay niya sa akin.

Lumapit ako sa kanya at siya ang hinawakan ko sa jersey niya at inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya kaya't halata sa kanya ang pagkagulat.


"Sa susunod bago ka magyabang, siguraduhin mo munang may napatunayan ka na. At kapag handa ka na, wag kang mag-alala, hindi kita aatrasan," napanganga na lang yung ibang kaibigan ni Kurt sa sinabi ko.

"ANY COURT, ANY TIME DUDE!" sigaw ko na lang sa kanila.

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at hinila ko na si Jake paalis sa lugar na yon.

"San tayo kakain?" tanong ko kay Jake at inakbayan ko siya. "Hahahaha! Halos mamutla yung lokong yun nung inilapit mo yung mukha mo sa kanya. Loko ka talaga! Akala ko hahalikan mo yun eh!"

Ang ayoko sa lalaking 'to, tapos na yung pangyayari tapos pag-uusapan pa. Hindi ko kasi ugali ang pag-usapan ang mga nangyari na.


"Wala yun. Tara dun na lang tayo sa tapsihan kumain! Barsilog akin, wag kang kokontra!" nauna na akong tumakbo sa tapsihan at umorder.

Gutom ako, at pag gutom ako, ayoko ng kinakausap. Well, di ko kasalanan maging magaling sa basketball.


Basketball is my sport. And without this game, I am nothing.


- - - - - - - -

VOTE, COMMENT, & BE A FAN! THANK YOUUUUUU!❤️

God bless everyone!💕

The Game Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon